Kahilingan ng 7-Year-Old sa Kanyang kaarawan, Nagpaiyak ng Pamilya at Netizens

Kapag sinabing kaarawan, isa sa una nating naiisip ay ang pagwi-wish o paghiling pagkatapos nating hipan ang kandila. Karaniwan itong nangyayari sa pagdiriwang nang kaarawan ng bata. Madalas nating marinig na hiling ng mga bata ay bagong laruan o damit, ngunit ibahin nyo ang batang ito na imbes na hiling para sa kanyang sarili ay hiling para sa kanyang lola ang kanyang ginawa.

Credit: Facebook/Philippine Star


Noong nakaraang July 9, 2023 ay nagdiwang ang batang si Hailie para sa kanyang ikapitong kaarawan. Masaya ang lahat sa kanyang selebresyon na puno ng masasarap na pagkain at mga palaro. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, nagulat ang lahat ng sabihin ng batang si Hailie ang kanyang kahilingan matapos nitong hipan ang kandila sa kanyang birthday cake.

Credit: Facebook/Philippine Star


“Gusto kong malinaw ang mga mata ni Mamu, makakita.” Hiling ni Hailie habang umiiyak.

Credit: Facebook/Philippine Star


Ayon sa mga magulang ng bata na sina Ihron at Roselynn Teocson, hindi umano nila inaasahan ang sinambit na kahilingan ng kanilang anak na si Hailie. Pareho silang nagulat dahil ang inaasahan nilang hiling nito ay bagong laruan o mamasyal tulad ng karaniwang gusto ng mga batang kasing edad ng kanilang anak.

Credit: Facebook/Philippine Star


“Two weeks before, na-mention niya sa akin pero parang humagip lang sa isip niya. Hindi ko lang pinansin. Sabi niya, ‘Pa, gusto ko wish ko eh sana luminaw yung mata ni Mamu.’ Ito naman si Hailie very thoughtful, sweet. Very mahal niya si Mamu eh,” saad ng ama ni Hailie na si Ihron.

Credit: Facebook/Philippine Star


Ang nasabing ‘Mamu’ ni Hailie ay ang kanyang 62-year-old na lola na si Lola Stephanie, na hindi rin napigilang maging emosyonal matapos marinig ang kahilingan ng kanyang apo na si Hailie. Tulad ng mga magulang ng bata ay hindi niya rin inaasahan na para sa kanya ang kahilingan ng kanyang pinakamamahal na apo.


“Sobrang nabigla po ako, hindi ko akalain na ganun iwi-wish niya. Parang pinagalitan ko nga siya kasi ang tagal niya humiling. Pag sabi niyang gusto niyang lumiwanag yung mata ko, hindi ko maiwasan umiyak talaga ako. Sa ganung seven years old, naisipan niyang ‘yun ang iwi-wish nya at sa akin pa,” paliwanag ni Lola Stephanie.

Credit: Facebook/Philippine Star


Maging ang tiyahin ni Hailie na si Joyce, na siyang host ng kaarawan ay naantig rin sa kahilingan ng kanyang pamangkin.


“Na-touch naman si Tita. All for one, one for all ang wish na makakita na raw po si Mamu. Para mkita ni Mamu ang each milestone ng mga apo. And hopefully in God’s grace, Mamu will see beautiful Ate Hailie,” sambit ni Joyce.


Bakit nga ba hiniling ng batang si Hailie na luminaw ang mga mata ng kanyang Mamu imbes na humiling para sa kanyang sarili? Napag-alaman na na-diagnosed si Lola Stephanie ng Retinitis Pigmentosa. Isang uri ng sakit sa mata na nakaka-apekto sa retina ng mata dahilan ng paglabo nito. Nakakalungkot nga lang na ang sakit na ito ay walang lunas kaya naman mahirap para kay Lola Stephanie ang kumilos.

Credit: Facebook/Philippine Star


“Nung mag-age na po ako ng 50, dun na nag-start yung paunti-unti nang naaano ‘yung liwanag. Pag 60 ko, lumabo na talaga. May nakikita pa rin ako pero hindi lang klaro,” pag-amin ni Lola Stephanie.


Si Hailie ang unang apo ni Lola Stephanie kaya naman napakalapit nila sa isat-isa. Si Hailie at ang kanyang mga nakababatang kapatid ay madalas pumunta sa kanilang Mamu para alalayan siya. Bilang apo, mahirap para kay Hailie na nakikitang nahihirapan ang kanyang lola na kumilos dahil sa malabo nitong mga mata, kaya naman tuwing walang pasok ay pinupuntahan niya ito at tinutulungan.

Credit: Facebook/Philippine Star


“Very bright talaga ‘yan apo ko na yan. Kasi ang ginagawa pala sa knya ng Papa niya, tinatanim sa isip nila na ‘yung sitwasyon ko. Kaya kung nandito sila sa bahay, inaalalayan nila ako. Kaya kung minsan nato-touch ako, minsan napapaluha rin ako,” saad ni lola Stephanie.


Bilang isang lola, gusto ni Lola Stephanie na maranasan pa ring maalagaan ang kanyang mga apo kaya naman habang nakakaaninag pa siya ay aalagaan niya ang mga apo niya, dahil ito lang ang tanging magagawa niya habang siya ay nabubuhay pa.

Credit: Facebook/Philippine Star


“Sabi ko habang may aninag pa, gusto ko pa rin silang maalagaan, Marami akong memories dyan sa bata na yan. Palagi yan nagsasabi ng I Love You. Malakas pa naman sana ako kaya lang yung mata talaga. Hindi na po ako makalakad nang mag-isa,” dagdag pa nito.


Nagkaroon din ng pagkakataon ang ina ni Hailie na si Roselyn na tanungin ang kanyang anak tungkol sa kakaibang kahilingan nito.

Credit: Facebook/Philippine Star


“[Sabi ko] bakit mo winish na ganun? Sabi nya, ‘Naawa na po ako kay Mamu kasi lagi na lang hindi na siya makakita.’ ‘Eh ayaw ko na maghirap si Mamu, gusto ko na makita rin nya kung ano yung nasa paligid niya,” sabi niyang ganun,” saad ni Roselyn.


“Thankful kaming mag-asawa na si Hailie ganito sa edad niyang seven years old, very mature,” saad ni Ihron.

Credit: Facebook/Philippine Star


Marami namang netizens ang namangha at naantig sa batang si Hailie. Sa murang edad nito ay naisip nyang humiling para sa kanyang lola imbes na para sa kanyang sarili. Sabi ng mga netizen kung ibang bata daw ito ay siguradong laruan ang hihilingin.


Si Hailie ay nagbigay aral na kahit bata ay may kakayahang isipin ang kapakanan ng matatanda. Ang batang pinalaking maayos at may pagmamahal ay ibablik rin ang kabutihan at pagmamahal na natanggap sa kanyang pamilya.


%d bloggers like this: