Bea Alonzo, Sinorpresa At Namahagi Ng Biyaya Sa Mga Kasambahay At Delivery Riders

Glamorosa, sikat na modelo at premyadong aktres, ito ang una nating maiisip kapag narinig o nabanggit ang pangalang Bea Alonzo.

Isa nga si Bea Alonzo sa tinitingala at hinahangaang artista noon pa man hanggang sa ngayon na may hindi mabilang na pelikula at TV commercials. Malayo na nga ang narating ng karera ng aktres at ngayon ay patuloy pa rin sa mga proyekto nito sa telebisyon.

Credit: Instagram / beaalonzo

Pero sa likod ng kamera, isang mapagmahal na amo sa kanyang mga kasambahay ang aktres. Sa kabila ng kaliwa’t kanang gawain nito mapa-showbiz man o pang-personal na lakad, hindi nakakalimutan ng aktres ang mahalagang araw na ito para sa kanyang mga empleyado.

Credit: Instagram / beaalonzo

Nito ngang nakaraan, isang kakaibang pagdiriwang ang ginawa ng aktres kasama ng kanyang mga kasambahay. Binigyan nga ni Bea ng kakaibang twist ang Labor Day para sa mga empleyado nito, at binigyan pa nga ito ng kakatwang tawag “The Labor Game”. Sa naturang pagdiriwang napiling magpalaro ni Bea para sa kanyang kasambahay kung saan isang malaking sorpresa ang naghihintay. 20,000 cash lang naman ang mai-uuwi ng mananalong grupo, pero hindi naman uuwing luhaan ang talo sa huli na makatatanggap ng 10,000.

Credit: Instagram / beaalonzo

Ang naturang palaro ay may tatlong team na kalahok na magtatagisan sa mga larong candle blowing, funny pencil, pyramid cans, marble scoop at yank me. Sa kanyang social media account pinasalamatan ni Bea ang mga tao na matapang na humaharap sa kasalukuyang pandemya at mapanatili tayong lahat na ligtas. Hindi rin nakalimutan ni Bea Alonzo na pasalamatan ang ating magigiting na frontliners at delivery riders. Espesyal naman na pasasalamat ang ipinarating ng aktres sa kanyang mga kasambahay na tinawag pa nitong ”angels in our household”.

Credit: Instagram / beaalonzo

Isang delivery rider naman ang nabiyayaan rin at nakatanggap ng premyo mula sa aktres na si Bea. Tila umayon nga sa delivery rider na ito ang swerte, dahil sa simpleng pagde-deliver ng pagkain na inorder ng aktres ay nakatanggap rin siya ng biyaya mula rito. Umabot sa halagang 20,000 ang natanggap ng delivery rider sa aktres, matapos itong bigyan ng aktres ng 15,000 pesos at 5,000 halaga ng load. Direktang matatanggap ng mga nanalo at ng mapalad na delivery rider ang kanilang premyo sa pamamagitan ng PayMaya app.

Credit: Instagram / beaalonzo

Isang pantry din ang inorganisa ng aktres sa labas ng bahay nito na naglalayong mapasaya ang mga kababayan nating delivery riders na mapapadaan sa labas ng bahay ng aktres. Sa simpleng aksyon at kabaitan ng aktres, maraming riders ang napasaya niya sa Araw ng mga Manggagawa.


Leave a Reply

%d bloggers like this: