Anim Na Buwang Sanggol, Kape Ang Iniinom Sa Halip Na Gatas Dala Ng Kahirapan

Gatas ang pangunahing pangangailangan ng isang sanggol para maka-survive araw-araw. Ngunit dala ng kahirapan, maraming bata ang nagiging malnourished gawa ng kakulangan sa panggastos para sa araw-araw na pagkain. Kabilang dito ang isang pamilya mula sa Indonesia kung saan kape ang pinapainom sa halip na gatas sa kanilang anim (6) na buwang anak.

201 Indonesian Coffee Farm Photos - Free & Royalty-Free Stock Photos from  Dreamstime
Credit: Dreamstime

Napukaw ang atensyon ng netizens ng malaman nila ang kalagayan ng pamilya. Kalunos-lunos na buhay ang kinakaharap nila dahil sobrang baba na kita ang kailangan nilang pagkasyahin sa araw-araw. Sa isang araw kumikita lamang ang mag-asawa ng 20,000 Indonesian rupees o katumbas ng 50-70 pesos sa Pilipinas. Sa ganitong klase ng kita sumabay pa ang pataas na presyo ng bilihin ay tiyak na kulang para sa presyo ng gatas, na kahit pinakamurang gatas ay hindi kakayanin lalo na’t may iba pang gastusin. Nagtatrabaho ang mag-asawang sina Safiruddin at Anita sa isang coconut plant.

Credit: Manila Papers

Indonesian style coffee ang partikular na kapeng iniinom ng anak nila. Ito ang kapeng kailangan pang pakuluan ang coffee beans saka hahaluan ng asukal at dadagdagan pa ng tubig para makuha ang tamang pait sa panglasa ng bata. Sa kabilang banda, nabahala ang karamihan sa kondisyon ng bata marahil alam ng lahat na gatas ang kailangan nito at baka magkaroon ng epekto ang kape sa kalusugan ng bata. Base naman sa source, wala pa daw nakikitang growth problems o anumang mali sa kalusugan nito.

Dahil sa Hirap ng Buhay, Kape Nalamang ang Ipinapa-Inom sa Sanggol Dahil  Hindi na Kayang Bumili pa ng Gatas ng Kaniyang mga Magulang
Credit: Manila Papers

Napag-alaman sa study noong 2015 na maraming puwedeng maging epekto ang sobrang pag-inom ng kape para sa bata. Isa na dito ang pagtaas ng posibilidad na ang bata ay maging obese pagtungtong ng Kindergarten. Ang mataas na konsumo din ng caffeine ay maaaring magdulot ng seizure o cardiac arrest. Dalawa lang ito sa maaaring maging epekto ng pagkonsumo ng kape sa murang edad.

Credit: Kompas Regional

Kada araw ay nakakaubos siya ng limang (5) baso ng kape o 1.5 Liters at magdamag daw siyang gising habang naglalaro sa gabi na masasabing epekto ng kape. Nang makarating sa opisyales ang kanilang kondisyon, minabuti ng Health Agency na personal na bisitahin ang pamilya at abutan ng tulong para sa bata. Binigyan nila ng gatas at mga biscuit ang bata.

Bayi 14 Bulan yang Diberi 5 Gelas Kopi Setiap Hari Akhirnya Minum Susu  Halaman all - Kompas.com
Credit: Kompas Regional

Kasalukuyang binabantayan ng Local Social Welfare Officers ang kalusugan ng bata upang masigurado na walang magiging sakit at lumaki ito ng walang nararamdaman. Nais din nilang maiwasan ang pagpapainom ng kape sa bata bilang alternatibong gatas.


Leave a Reply

%d bloggers like this: