Balikan Ang Nag-Trending Na Larawan Nina Andi at Philmar Bitbit Ang Malaking Balde

Kilala nga ang aktres na si Andi Eigenmann sa mga pagganap nito sa telebisyon. Maliban rito alam ng nakararami na bata palang ay namulat na ito sa maayos na pamumuhay. Pero kamakailan lamang ay nakita at nakuhanan pa nga ng larawan ang aktres sa kalsada sa Siargao kung saan siya nakatira ngayon kasama ang asawa at mga anak nito. Nakuhanan ang aktres na may hawak na balde habang angkas sa motor na minamaneho ng asawa nito na si Philmar Alipayo.

Credit: Instagram / andieigengirl

Mababakas sa larawan ng aktres ang simple nitong pamumuhay. Malayong-malayo sa nakagisnan nitong kasikatan at marangyang buhay sa Manila at showbiz bilang artista.
Sa una’y aakalain mong isang parte ng pelikula kung saan ipinapakita ang simpleng pamumuhay ng bida. Ngunit ito talaga ang buhay ngayon ng aktres. Dahil na rin sa ito ang kanyang piniling buhay sa ngayon. Kasama ang mga anak ni Andi at asawang si Philmar na naninirahan sa Siargao.

Credit: Facebook / Contessa Paraico-Carnaje

Mariin ding sinabi ng aktres na ito ang pinakamagandang desisyon na ginawa niya sa kanyang buhay. Ang mamuhay ng simple at masaya, malayo man sa kasikatan at camera. Maraming netizens ang nagpaabot ng paghanga sa aktres. Marami rin ang nagulat pero natuwa sa kalagayan ng aktres ngayon sa pagiging simpleng pagkilos nito. Umabot sa mahigit 80 thousand likes ang reactions at 50 thousand naman sa shares sa post ng uploader ng larawan na si Contessa. Komento ng ilang netizens sa nasabing larawan ng aktres:

Credit: Instagram / andieigengirl

“She embraced a simple life.”

“I wish her (Andi) luck and blessings with her family.”

“You’re so natural (Andi).”

“She’s so amazing.”

Marami pang magagandang komento at paghanga ang ipinaabot ng netizens kay Andi. May ilan ding ang nagsabi na hindi mabibili ng kasikatan ang kaligayahan at pagiging kontento at pinatunayan ito ng aktres na si Andi. Hindi rin naalis sa netizen na ihambing ang eksenang ito sa isang pelikula. Ayon naman kay Andi kapag may gusto siyang bilhin kailangan talaga niya itong hawakan kung hindi patay siya kay Philmar.

Credit: Instagram / andieigengirl

Ang larawang ito ay kuha ng isang netizen na si Contessa Aubrea Paraico-Carnaje, may caption itong: “Saw Andi here in Siargao last week and wala sya keyme kag arte magdala sang large water tub while nakaangkas sa motor kasama hubby niya.” Dagdag pa niya na kahit napakasimple ng bihis ng aktres ay napaka-‘gorgeous’ at ‘classy’ pa rin ng dating nito. Sa ngayon patuloy ang simple at kuntentong pamumuhay ng aktres na si Andi sa Isla ng Siargao kasama ang napakaganda nitong pamilya.


Leave a Reply

%d bloggers like this: