Magkakapatid na Alpabeto ang Pangalan—ABCDE, GHIJ at XYZA, Kinagiliwan ng Netizens

Pangalan ang tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang tao kaya naman importante ito. Sa panahon ngayon, nagiging matalino na ang mga magulang sa pagbibigay ng pangalan sa kanilang mga anak. Sinisigurado nilang kakaiba ito at walang kapareho upang maging angat kumpara sa iba. Katulad na lamang ng magkakapatid na ito na pinangalanan mula sa alpabeto ng kanilang mga magulang.

Ang mag-asawang si Rita at Florian Reynado ay napagdesisyunan na pangalanan ang kanilang tatlong anak mula sa alpabeto. Ayon kay Florian gusto niyang mula sa basic ang pangalan ng kanyang mga anak ngunit kakaiba, kaya naman ang panganay ay pinangalanan na si ‘Abcde Reynado’, ang pangalawa at si ‘Ghij Reynado, at ang pangatlo ay si ‘Xyza Reynado’.

Credit: Facebook / Abs-cbn News

“In order for them to be reminded, yung pangalan nila basics,” saad ni Florian.

Nagmula umano ang ideya na pangalanan ang mga anak mula sa alpabeto sa mister na si Florian. Hiningi niya naman ang pahintulot ng kanyang asawa kaya naman walang problema. Masaya rin umano siya dahil proud ang kanyang mga anak sa ibinigay niyang pangalan, at kailanman ay hindi umano nakaranas ang mga ito ng bullying.

Credit: Facebook / Smart Parenting

“Idea ko naman ito e. Nagpaalam naman ako sa kanya (misis) dito kung okay lang siya sa konsepto. Basta proud naman tayo na ipangalan yan sa mga anak natin. May purpose naman, why not? No regrets. The children are proud of their names. They never experience bullying,” dagdag ni Florian.

Ayon naman sa panganay na si Abcde, ang unang reaksyon umano ng mga tao sa kanyang pangalan ay kung nagkamali ba ng encode sa attendance o kung biro lang ba ang pangalan nya. Nagkakamali rin umano ang mga tao sa tamang pagbigkas ng pangalan nya at madalas syang tawagin na ‘Abode’ o literal na ‘a-b-c-d-e’ ang itawag sa kanya.

Credit: Facebook / Abby Reynado

Kwento naman ng kanyang kapatid na si Ghij, hindi rin daw makapaniwala ang mga tao sa tuwing nalalaman na may mga kapatid din siyang alpabeto ang pangalan bukod sa kanya. Madalas rin daw na mali ang pagkabigkas sa kanyang pangalan imbes na ‘Jij’ ang pagkabigkas ay ‘Gigs’ o Jeegs’ umano ang natatawag sa kanya.

Credit: Facebook / Smart Parenting

Sa tuwing nakikita naman si Xyza ng kanyang mga guro, ay hindi umano mapigilan na maalala rin ang kanyang dalawang kapatid, lalo na at nasa iisang paaralan lang sila nag-aaral. “Uy! Ayan na si X-Y-Z-A, yung ate A-B-C-D-E, may kapatid pa yan, G-H-I-J.”

Credit: Facebook / Xyza Reynado

Wala naman daw problema ang magkakapatid sa pangalan na ibinigay sa kanila ng kanilang ama. Binigyan pa umano sila nito ng magandang dahilan kung bakit maganda ang kanilang mga pangalan. Kwento ng kanilang ama na si Florian sa kanila, ayaw umano nitong magkaroon sila ng kapangalan dahil kapag nagkaroon ng kriminal na kapangalan nila ay aasarin umano sila ng ibang tao.

“We never had a problem, inside and outside of our home pagdating sa mga pangalan contrary to a few na nagsasabing comments. Can’t afford din sila na kantsawan ako kasi for your information, opisyal ako sa pulis-colonel. Yung asawa ko rin po, policewoman din po siya. Mag isip-isip muna siya siguro bago niya ko pagtawanan kung bakit ganun pangalan ng mga anak ko. Biro lang,” saad at biro ni Florian.

Credit: Facebook / Smart Parenting

Sa tagal ng panahon ay wala naman daw naging problema ang mag-asawa at walang narinig na pangugutya sa pangalan ng kanilang mga anak. Kung tutuusin pa nga ay marami ang pumupuri sa pangalan na kanilang binigay dahil napaka-unique umano at gusto pa ngang gayahin.

“Sir, ang ganda ng pangalan ng mga anak ninyo, unique. Gusto gayahin.”

Ang pangalan ay isang yaman na ibinigay ng mga magulang, kaya naman dapat lang na ito ay ipagmalaki at huwag ikahiya. Simple man o kakaiba ang iyong pangalan taas noo itong ipakilala sa maraming tao dahil nagmula ito sa iyong mga magulang.


%d bloggers like this: