Maricar Reyes, 41, Nananatiling Walang Anak, “Meron Akong Peace, It Doesn’t Make Me Feel Less”

Si Maricar Reyes ay kilala bilang isang modelo, aktres at negosyante. Sa edad na 41, marami ang nagtataka kung bakit hindi pa rin sila nabibiyayaan ng anak ng kanyang kabiyak. Ano nga ba ang dahilan bakit wala pa rin silang supling?

Credit: Instagram / maricareyespoon

Si Maricar ay ikinasal sa singer-songwriter na si Richard Poon noong taong 2013. Kapwa sila masaya sa kanilang pagsasama kaya maraming netizens ang hindi mapigilang mapatanong kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin silang anak. Marami ang nababahala na baka kaya hindi na sila magkaanak ay dahil sa edad nilang mag-asawa na masyado na umanong matanda.

Credit: Instagram / maricareyespoon

Ngunit ayon kay Maricar, wala umanong kinalaman ang kanilang edad dahil pareho silang malusog ng kanyang asawa. Wala umanong problema sa kanila at gusto rin nilang magkaanak ngunit maaaring hindi pa umano panahon kaya’t hindi pa ibinibigay sa kanila ng Panginoon.

“There’s no problem with him, there’s no problem with me.”

“Feeling ko we did our due diligence naman on our side humanly possible.”

Credit: Instagram / maricareyespoon

Inamin naman ni Maricar na wala talaga sa plano nilang magkaanak noong unang dalawang taon ng kanilang pagsasama. Gusto muna nilang ma-enjoy ang pagsasama bilang mag-asawa. Pagkatapos ng dalawang taon ay handa na umano silang magkaanak kaya nagpatingin pa umano sila sa doktor at wala naman umanong problema.

“Ikinasal kami, we really planned on not having kids for the first two years. And that after that pwede na. And then we even got checked, ganyan.”

Credit: Instagram / maricareyespoon


Sa mga kumukwestyon sa kawalan nila ng anak ni Richard, ang masasabi lang ni Maricar, “Pero wala e. So what are you gonna do?”

Dagdag din ni Maricar kahit kailan ay hindi umano siya nakaramdam ng inggit sa ibang babaeng may anak. Minsan umano ay napapaisip siya kung kakaiba ba siya dahil hindi niya ito nararamdaman, ngunit maaaring ginawa lang talaga siyang matatag ng Panginoon.

Credit: Instagram / maricareyespoon

“Honestly, kaya minsan hindi ko alam kung weirdo talaga ako… Hindi [ako naiinggit].”

Isa rin siguro sa maituturing na advantage ni Maricar sa hindi niya pagkakaroon ng anak ay ang pagkakaroon niya ng peace of mind. Marami siyang panahon para sa kanyang sarili, sa kanyang asawa, at sa mga bagay na gusto niyang gawin tulad ng kanyang negosyo.

Credit: Instagram / maricareyespoon

“Meron talaga akong peace. Kung meron [anak], okay. Kung wala, okay.”

Para rin kay Maricar, hindi basehan ang pagiging ina para masabi ang importansya ng isang babae sa lipunan. May anak man o wala, hindi ito nakakababa ng pagkababae ng isang tao.

“It doesn’t make me feel like I’m less of a person or I’m less of a female.”