Alamin ang Hamon ng May-ari ng Robinsons sa mga Nagpapakalat na Mayroong ‘Taong Ahas’ sa Kanilang Malls

Nito lamang ay sumulpot muli ang isyu tungkol sa tinatagong ‘taong-ahas’ ng mga Gokongwei sa kanilang Robinsons chain of malls. Matapos mapabalita ang pagkawala ng dalagang si Jovelyn Galleno na nagtatrabaho sa isang outlet sa loob ng Robinsons Mall sa Puerto Princesa, Palawan, kung saan nakita itong pumasok ngunit hindi ang kanyang paglabas.

Matatandaan na matagal ng umiikot ang kwento-kwento patungkol sa taong ahas na itinatago umano ng mga Gokongwei sa ilalim ng kanilang mall o basement nito. Ayon sa kwento, ang nasabing taong ahas ay kakambal umano ni Robina Gokongwei at dahil sa anyo nito, ay napili ng pamilya itago ito sa kanilang malls.

Credit: We the Pvblic

Sinasabing ang dressing room umano ng kanilang mall ay isang trap door kung saan sino mang magagandang dalaga ang pumasok dito ay bigla na lamang mawawala at didiretso sa ilalim ng basement upang kainin umano ng taong ahas. Makalipas ang ilang dekada, nanatili lamang itong urban legend dahil wala namang nakapagpatunay sa kwentong ito.

Ngunit matapos ang pagkawala ni Jovelyn noong August 5, kumalat na naman sa social media ang kwento tungkol sa taong ahas. Maraming netizens ang nagsasabing totoo umano ito kahit wala pa namang patunay. Dahil sa kwento-kwentong ito ay naapektuhan na ang negosyo ng mga Gokongwei at marami na ang natatakot na pumunta sa kanilang mga malls.

Credit: The Daily Sentry

Nito lamang, sa Youtube video ni Ayala Corporation Chairman Jaime Augusto Zobel de Ayala, kausap si JG Summit CEO Lance Gokongwei tungkol sa ekonomiya, ay nauwi ito sa sa pag-uusap tungkol sa maingay na isyu sa taong ahas na kanilang tinatago umano.

Ayon kay Lance: “That’s a definite false.”

“If there was a snake, my sister Robina would’ve caught it and converted it into a handbag that she sold in Robinsons,” pabirong sabi ni Lance Gokongwei.

Credit: Esquire Philippines

Sinasabing ang taong ahas na kakambal umano ni Robina ang dahilan ng pagiging mayaman ng mga Gokongwei. Ito umano ang nagdala ng swerte sa kanila kaya tinatago nila ito at ibinibigay ang kanyang mga kahilingan na magagandang dalaga umano.

Noong May 24, 1991 sa isang interview kay Robina ng programang “The Probe Team’, meron umanong 52 versions ang kwento tungkol sa taong ahas.

Credit: Bilyonaryo

Aniya, “I think it’s very, very stupid. Everybody asks me that question‘Who started the rumor?’ Most probably it was spread by a competitor with a very, very sick mind.”

Hindi rin napigilan ni Robina na magbigay hamon sa sino mang makakapagpatunay na totoo nga ang taong ahas na kanyang kakambal umano. Saad niya, kung sino man ang makapagpatunay nito ay ibibigay niya ang kanilang Robinsons Galleria Mall sa taong ito.

“I’m inviting everybody to go there. And, naku, if anybody can find that creature, I swear I’m going to give the entire Galleria to him!”

Credit: Bilyonaryo

Matatandaan na nagsimula ang isyung ito ng kumalat ang kwento-kwento na naging biktima umano ng taong ahas ang sikat na aktres na si Alice Dixon. Noong dekada nobenta nang ma-headline sa mga tabloid ang kwento na agad namang pinaniwalaan ng marami dahil na rin sa pananahimik ni Alice.

Ngunit ito ay pinabulaanan na ni Alice sa kanyang Youtube channel noong July 25, 2020 ang kwentong ito. Ayon sa kanya wala itong katotohanan at kailanman ay hindi niya nakita ang sinasabig taong-ahas, at hindi umano siya binayaran ng mga Gokongwei para tumahimik.

Credit: Plumbing Philippines

“Of course, this was just usap-usapan lang, right? Wala namang pruweba to this.”

“You deny something that is true, but I’m not denying anything because what I’m saying is that nothing really happened.”

“Nothing really happened in the way that the urban legend or the myth dictates.”

Credit: The Summit Express

“Hindi naman ako nahulog sa trapdoor.”


“Hindi naman ako tumakbo sa corridor palabas, you know, papuntang hotel.”

“Hindi din naman ako nabayaran ng 850 million pesos at hindi rin nangyari yung na-cut ang pagsasalita ko sa isang TV show when I was trying to explain myself.”

Credit: Metropoler


Wala umanong katotohanan ang lahat, kaya hiling ng aktres na itigil na ang pagpapakalat ng kwentong ito, at ang paulit-ulit na pagdamay sa kanya sa kwento.

Ang urban legend na ito ay isang halimbawa na malayo ang nararating ng bawat kwento, totoo man o hindi. Ngunit matuto sana ang lahat na hindi maganda ang magpakalat ng kwento lalo na kung walang patunay. Kung totoo man ito, aba napakaswerte naman ng makakapagpatunay dahil mapapasakanya ang Galleria.