Nanette Medved, Naging ‘Real Life Darna’ Matapos Lisanin ang Mundo ng Showbiz

Laman ng balita ngayon ang palabas na Darna ng ABS-CBN na ginagampanan ni Jane de Leon kung saan ay humakot ito ng maraming atensyon mula sa publiko. Alam ng lahat na ang ‘Darna’ ay isang iconic role na kinalakihan na ng marami, at marami ng batikang artista ang gumanap sa role na ito katulad nila Vilma Santos, Angel Locsin at Marian Rivera.

Isa rin sa gumanap sa iconic role na Darna ay si Nanette Medved na noon ay napakagandang aktres at modelo na hinahangaan ng marami. Dekada nobenta ng siya ay makilala, at dahil napapabalita ang Darna ngayon, may ilang mga netizens ang naaalala siya at napatanong kung kamusta na ba siya.

Credit: CNN Philippines

Bukod sa iconic role na Darna, napasama rin si Nanette sa sikat na pelikula ng yumaong si Fernando Poe Jr na “Ang Dalubhasa”. Ito ang kanyang huling pelikula bago niya nilisan ang mundo ng showbiz at napiling mamuhay ng tahimik kasama ang kanyang binuong pamilya.

Taong 1999 nang ikasal siya sa businessman na si Chris Po, ang presidente at CEO ng Century Canning Corp. Ngunit hindi lang basta naging simpleng maybahay si Nanette dahil ginamit niya ang kanyang pinag-aralan upang makapagpatayo ng kumpanya at makatulong sa maraming tao.

Credit: Instagram / nanettemedvedpo

Sa katunayan, nakapagtapos si Nanette bilang Summa Cum Laude sa kursong Finance and Entrepreneurship sa Babson College, Massachusetts. Ginamit niya ang kanyang pinag-aralan para ipatayo ang Generation Hope Inc. at Friends of Hope Inc. Ito ay mga organisayon na naglalayong matulungan ang mga pampublikong paaralan at mga estudyanteng hirap sa buhay ngunit gustong makapag-aral.

Noong 2012 nang gumawa si Nanette ng malaking hakbang at binuo ang non-profit organization. Siya ay pumasok sa negosyo ng de-boteng tubig na ang trademark ay Hope in a Bottle na may natatanging selling point: ang tubig ay katumbas ng mga silid-aralan. Nagsimula ito bilang isang maliit na operasyon kung saan personal na ginagawa ni Nanette ang pagbebenta, at sa ilang pagkakataon maging ang mga pagdedeliver ng kanilang mga produkto.

Credit: Instagram / nanettemedvedpo

Sumugal si Nanette at kalauna’y nagtagumpay dahil na rin sa kanyang sipag at tiyaga. Ang mga unang naniniwala sa kanya ay ang malalaking pangalan tulad ng Starbucks, Seattle’s Best at Krispy Creme. Higit sa 30 milyong mga produkto ang naibenta at nakapagpatayo siya ng 95 na mga silid-aralan mula ang kanyang proyekto.

Bukod sa edukasyon, kasama rin sa kanyang mga programa ay ang pagtulong sa mga magsasakang Pilipino. Layunin niya rin na pangalagaan ang kalikasan kaya naman itinayo niya ang Plastic Credit Exchange Inc. (HOPEx).

Credit: Instagram / nanettemedvedpo

I did it because it was something close to my heart. I wanted to help the poor,” saad ni Nanette.

Noong 2017, nagtulungan sila ng aktres na si Solenn Heusaff upang gumawa ng limited edition na damit gamit ang 100% na recycled plastic materials. Ang kinita nila dito ay ginamit upang makapagpatayo ng mga bagong gusali sa public schools sa buong bansa.

Credit: Instagram / nanettemedvedpo

Ang kabutian ng puso ni Nanette ay kinilala sa Forbes bilang isa sa mga “Heroes of Philantrophy” noong 2017 at hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin siyang tumutulong sa maraming nangangailangan.

Ang ganda niya pa rin hanggang ngayon, tapos ang bait pa.”

“Good job Darna, sana marami ka pang matulungan.”

Credit: Instagram / nanettemedvedpo

“Indeed, a real life Darna. Di na kailangan ng super powers para tumulong, basta mabuti ang iyong puso, marami kang matutulungan.”

“Salute Miss Nanette, sana maging magandang halimbawa ka sa lahat. Dumami pa sana ang katulad mo.”

Credit: Instagram / nanettemedvedpo

Masasabing si Nanette ay isang real life Darna, bukod sa ganda na namana niya sa kanyang Taiwanese na ina at Russian na ama, mayroon din syang magandang puso. Ginamit niya ang kanyang kakayahan at pinag-aralan upang makatulong sa maraming tao. Ang kanyang naging kabutihan ay ang kanyang kapangyarihan.