Karla Estrada, Nagbalik-Tanaw sa Hirap na Pinagdaanan Nila Noon ng Anak na si Daniel Padilla

Si Karla Estrada ay kilalang aktres at TV host at ina ng sikat na aktor na si Daniel Padilla. Ngunit bago nila natamasa ang maginhawang buhay, naranasan muna nilang masadlak sa kahirapan na labis na ikinadurog ng puso ni Karla noon para sa kanyang mga anak, lalo na kay Daniel.

Bilang magulang masakit kay Karla na makitang mahirapan ang kanyang mga anak, at ang pakiramdam na wala umano siyang magawa sa kanilang sitwasyon. Si Karla ay isang single mom at mag-isa niyang pinalaki ang kanyang apat na anak na sina Daniel, JC, Magui at Carmela.

Credit: Instagram / karlaestrada1121

Sa isang interview ni Karla sa vlog ni Toni Gonzaga na Toni Talks, ikinwento ni Karla ang kanilang mga pinagdaanan noon bago naging maginhawa ang kanilang buhay. Ayon sa kanya, naranasan umano nilang maputulan ng kuryente at napilitan sila magsalitan ng pagpaypay ni Daniel para makatulog ang mga kapatid nito.

“Syempre magpapaypay ako pag sa gabi magpapatulog na kay Carmela ‘tsaka kay Magui. Nangawit ako, sabi ko [kay Daniel], ‘Anak, ikaw naman,'” sabi ni Karla.

Credit: Instagram / karlaestrada1121

“Pagkatapos niya magpaypay, tumalikod siya pero narinig ko humikbi… so imagine ‘yung pakiramdam ko. Humikbi lang siya, ako nagngangawa,” dagdag nito.

Ang pangyayaring iyon umano ang isa sa pinakamasakit niyang alaala. Ang marinig na paghikbi ni Daniel ang dumurog ng kanyang puso. Ngunit hindi daw nagkaroon ng lakas ng loob si Karla na tanungin si Daniel sa nararamdaman nito.

Credit: YouTube / Toni Gonzaga Studio

“Ayoko nang tinatanong ‘yung anak ko ng ikakalungkot niya. Parang gusto ko lagi na matatag siya kasi kuya siya di ba?” sabi ni Karla habang naiiyak.

Para kay Karla, “ang pinagdaanan mo sa buhay ang magbibigay sa’yo ng confidence, magbibigay sa ‘yo ng tapang, lakas ng loob at pang-unawa at ‘yung bait.”

Credit: YouTube / Toni Gonzaga Studio

Ang pangyayaring iyon ay isa sa dahilan ng pagiging matatag ni Daniel at pagiging mabuting tao niya ngayon. Mapagkumbaba ito dahil alam nito ang hirap ng buhay bago naranasan ang kung ano mang meron sila ngayon.

Kwento ni Karla, maraming masasakit na salita ang kanyang naririnig noon nang siya ay mabuntis sa edad na 19 katulad ng “Ano ba ‘tong batang ‘to,” “pariwara,” at “matigas’ ang ulo.” 

Credit: Instagram / karlaestrada1121

Gayunpaman, hindi daw pinagsisihan ni Karla ang kanyang naging desisyon. Sa katotohanan ang unang naging reaksyon niya nang malamang buntis siya ay masaya. Hindi niya umano naisip ang pagbagsak ng kanyang karera sa showbiz at ang pagpapalaglag sa bata.

“Sa gitna ng walang kasiguraduhan kung paano ko sila bubuhayin, ay hindi ko sila pina-abort. Because at that time I was very young may naririnig kang gano’n ang sinasabi sa ‘yo.”

Credit: Instagram / karlaestrada1121

Sa kabila ng paghihirap nila noon, hindi daw kailanman ipinakita ni Karla ang pag-iyak sa kanyang mga anak. Gusto niya daw ipakita sa mga ito na malakas siya at masasandalan siya ng mga ito.

Marami namang netizens ang lalong humanga kay Karla dahil sa kanyang pagiging matatag. Hindi umano biro ang magpalaki ng apat na anak ng mag-isa. Makikita naman na lumaking maayos ang lahat ng kanyang anak kahit mag-isa niya lang itong pinalaki at inalagaan.

Credit: Instagram / karlaestrada1121

“Behind every strong person is a story that gave them no choice. I really admire Karla Estrada.”

“Karla is truly a great mother, she makes Daniel’s character the character of a superstar.”

Credit: Instagram / karlaestrada1121

I love momshie Karla. She really did a good job raising her kids alone.”

“She is indeed the Queen Mother, we can’t deny the fact that she is an amazing mother.”

Pinatunayan ni Karla na madaming tamang paraan na pwedeng magawa. Huwag sumuko sa buhay dahil kung nagawa niya daw magagawa din ng iba. Gawing aral ang mga pinagdaanan sa buhay upang mapabuti ang sarili at iyong pamilya.