Komedyanteng si Jose Manalo, Proud sa Achievement ng Kanyang Anak na Isang Doctor

Kilala si Jose Manalo bilang co-host ng sikat na noontime show na Eat Bulaga. Bukod sa pagiging host ay isa rin siyang komedyante at artista. Ang hindi alam ng marami ay isang ama pala si Jose Manalo kung saan mayroon lang naman siyang napakagandang anak na babae, at isa itong propesyunal na doktor.

Bukod sa magandang karera ni Jose sa showbiz, isa rin sa kanyang ipinagmamalaki ay ang pagkakaroon niya ng doktor na anak. Ang kanyang anak na si Myki Manalo ay kasalukuyang 28-taong gulang at nakapagtapos ng kursong Bachelors of Science in Psychology sa De Las Salle University sa Manila.

Credit: Instagram / mykimanalo

Bukod sa kursong Psychology, ipinagpatuloy ni Myki ang pag-aaral ng medisina sa FEU-NRMF Institute of Medicine kung saan ay matagumpay niya rin itong natapos. Ang matagal niyang pag-aaral ay nasuklian na ng lisensya sa pagka-doktor kaya naman masayang-masaya para sa kanya ang kanyang ama.

Bukod sa pag-aaral at pagiging ganap na doktor, makikita sa mga Instagram post ni Myki na mahilig din siyang mag-swimming. Ito ang kanyang paraan ng pag-e-exercise at pagiging fit sa kabila ng kanyang abalang schedule. Bukod sa pagiging matalino, si Myki rin ay may pang-artistahing talento, tulad na lang ng pagkanta, pagsayaw at pag-arte tulad ng kanyang ama at kapatid na si Benj Manalo.

Credit: Instagram / mykimanalo

Maraming netizens ang pumupuri kay Jose dahil sa pagkakaroon niya ng matalinong anak. kung hindi daw ito nag-doktor ay papasa rin daw itong artista dahil may taglay din itong ganda at may talento din sa pag-arte, pag-sayaw at pagkanta. Masaya naman si Jose sa naabot ng kanyang anak at patuloy niya umano itong susuportahan ano man ang tahakin nito sa buhay.

May ilan namang netizens ang hindi napigilan na maging curious pagdating sa love life ni Myki, matatandaan kasi na noong taong 2012 ay mayroon itong kasintahan na si Paulo. Ngunit ngayon ay wala na umanong balita tungkol dito dahil hindi na nagpopost ng mga larawan si Myki at wala na rin ang kanyang mga dating posts.

Credit: Instagram / mykimanalo

Sa kasalukuyan, mayroon ng anak na babae si Myki na ngayon ay anim na buwang gulang. Madalas niyang ipost sa kanyang Instagram account ang mga larawan ng kanyang anak na si Myka Isabel, at ibahagi kung gaano ito ka-cute at kung gaano nya ito kamahal.

The love of my life, my princess, my dearest Isa, turns 6 months old today! Being your mama is and will always be greatest things has happened to me. I love you so much, anak! Forever.”

Credit: Instagram / mykimanalo

Hindi rin naman nagpahuli si Myki sa pagpapasalamat sa kanyang ama na si Jose, matatandaan na noong nakaraang taon lamang ay nagpost siya at pinasalamatan niya ang kanyang ama para sa lahat ng sakripisyo nito at pagmamahal nito para sa kanya.

“I remember this one time back in college when I had personal problems and I was being particularly difficult. I didn’t attend all my classes one day, even missed an exam, and you caught me. Surprisingly, you didn’t get mad. You were unusually calm. You pick me up from where I was, brought me to an ice cream place near DLSU and just remained quiet.”

Credit: Instagram / mykimanalo

“Eventually, I cried so hard. I couldn’t stop. You just hugged me. We stayed like that for a long while. No words were needed. You understood me. You always stood by my side. Your mere presence was enough to get me through. I yearn for it daily. I miss you daddy. Please keep yourself healthy and happy,” saad ni Myki sa kanyang post para sa amang si Jose Manalo.