Smokey Manaloto, Proud Daddy sa Edad na 51, “Akala Ko Huli Na, Hindi Pa Pala”

Si Smokey Manaloto ay kilala sa kanyang mga ginagampanang roles bilang ama ngunit sa totoong buhay ay wala pa talaga siyang anak. Nakakabilib dahil sa maraming taon na gumaganap siya bilang ama ay inakala ng mga netizens na may anak na talaga siya sa totoong buhay dahil sa galing niya sa pag-arte.

Noong Disyembre 2021 nang malaman ni Smokey at ng kanyang partner na nagdadalang-tao ito. Masayang-masaya sila ng kanyang partner at magiging tatay na umano siya. Walang mapagsidlan ang kasiyahan ni Smokey at itinuring ang biyayang ito bilang “something big” ng kanyang buhay.

Credit: TikTok / @smokeymanaloto

Makalipas ang ilang buwan, nito lamang Agosto 4 ay ipinanganak ang panganay ni Smokey at kanyang partner na pinangalanan nilang “Kiko”. Masayang-masaya si Smokey dahil malusog na ipinanganak ang kanilang baby boy at ligtas itong nailabas ng kanyang asawa.

Sa edad na 51 years old, maraming nagsabi kay Smokey na wala na siyang pag-asang magkaanak dahil sa kanyang edad. Tila imposible na umano dahil matanda na siya para dito ngunit pinatunayan ni Smokey na walang imposible at kung nakatadhana talaga ay ibibigay ito ng Panginoon.


Credit: TikTok / @smokeymanaloto

“Sabi nila, wala ka ng pag-asa! Sabi nila, huli ka na sa biyahe! Akala ko huli na, hindi pa pala. Eto na yung something big na nangyari sakin!” saad ni Smokey sa video na kanyang ibinahagi.

Agosto 2 nang isugod sa ospital ang kanyang partner. Matagal itong nag-labor at hindi umano siya pinayagan na sumama sa labor room kaya naman hanggang video call lamang niya nakita ang sitwasyon ng kanyang nanganganak na asawa. Eksaktong alas-dose ng madaling araw ng Agosto 4 nang ipinanganak ang kanilang baby boy.


Credit: TikTok / @smokeymanaloto

“Ladies and gentlemen, we would like you to meet our ‘Kiko’ Manaloto” caption ni Smokey sa kanyang post.

Marami namang netizens ang nagulat na malamang 51 years old na pala ang aktor. Marami ang nag-akala na 44 pa lamang siya dahil ito umano ang nasa internet. Nilinaw ni Smokey na kahit gustuhin niya mang maging 44 ay hindi ito totoo, at siya ay 51 years old na sa kasalukuyan.


Credit: TikTok / @smokeymanaloto

“Nakakatuwang mabasa na ang edad ko pala sa internet ay 44. 51 na po ako.”

“Kahit na gustuhin ko man… Baka magalit sa akin ang mga netizens. Hehehe… #51not44” Paglilinaw ni Smokey.


Credit: TikTok / @smokeymanaloto

Inulan naman ng pagbati mula sa mga netizens si Smokey at kanyang partner dahil sa bagong biyayang dumating sa kanilang buhay. Nakakatuwa umanong makita na sa wakas hindi na lang sa palabas ang kanyang pagiging ama dahil ganap na ama na siya sa totoong buhay.

“Congratulations! Everything happens at God’s perfect time.”

“When the time is right, the Lord will make it happen.”


Credit: TikTok / @smokeymanaloto

“Kamukha nyo po si baby, congrats po!”

“Congratulations Smokey and wife, welcome to the world Kiko!”

“It’s worth the wait! Congrats, finally!”


Credit: TikTok / @smokeymanaloto

Patunay si Smokey na walang imposible sa buhay kung may pananalig at plano talaga ito ng Maykapal, ito ay kanyang ipagkakaloob. Wala ito sa edad, kahit anong edad ay maaaring maging magulang at siguradong magiging isang mabuting ama si Smokey sa kanyang anak na si Kiko.