Bolera Star Kylie Padilla, Pinahanga ang Netizens sa Kanyang Mala-Anghel na Larawan

Si Kylie Nicole Padilla, 29 taong gulang at kasalukuyang pinagbibidahan ang teleseryeng Bolera ay pinamangha ang mga netizens kamakailan lang, matapos niyang magpost ng kanyang larawan sa Instagram, suot ang isang maganda at eleganteng puting gown.

Credit: Instagram / kylienicolepadilla

Saad ni Kylie sa kanyang post, “When Alas came with me to work, I turned into an angel,” na agad namang sinang-ayunan ng maraming netizens at pinuri ang kanyang mala-anghel na kagandahan. Hindi lingid sa kaalaman ng marami na kasalukuyang single mom na si Kylie, matapos ang hiwalayan nila ng aktor na si Aljur Abrenica.

Credit: Instagram / kylienicolepadilla

Matapos ang kontrobersyal na hiwalayan nila ni Aljur, mag-isa na lamang pinapalaki ni Kylie ang kanyang dalawang anak na lalaki na sina Alas at Axl. Ngunit ang hiwalayan ay tila nagbukas ng ibat-ibang pinto para kay Kylie dahil nagsimula na siyang makatanggap ulit ng mga proyekto.

Bilang isang single mother of two, mas nagsumikap si Kylie sa buhay sa kagustuhang mabigyan ng kumportableng pamumuhay ang kanyang dalawang anak. Lakas loob syang bumalik sa showbiz at hindi naman siya nabigo dahil buong loob syang tinanggap ng GMA network at agad nabigyan ng proyekto.

Credit: Instagram / kylienicolepadilla

Sa kasalukuyan ay pinagbibidahan ni Kylie ang teleseryeng ‘Bolera’ kung saan ay gumamaganap siya bilang si Joni na isang prodigy sa larong billiard. Ang proyektong ito ay agad na niyakap ng maraming netizens bilang kasiyahan nila sa pagbabalik ni Kylie sa pag-arte.

Hindi naman nakalagpas sa paningin ng mga netizens ang blooming na itsura umano ni Kylie ngayon. Ayon sa kanila mas lalo umanong gumanda si Kylie ngayon, at tila epekto raw ito ng kanilang hiwalayan ng kanyang dating asawa. Ang ganda ni Kylie ay patunay daw na payapa at masaya na ang kanyang puso kasama ang kanyang mga anak, malayo sa sakit na kanyang naramdaman noon.

Credit: Instagram / kylienicolepadilla

“Iba talaga nagagawa kapag naka-move on ang babae, lalong gumaganda!”

“Grabe ang ganda nyo po Miss Kylie, angel na angel.”

“You’re always be an angel, Ky!”

“Hi. Ako nga pala yung sinayang mo peg.”

“Gorgeous as always! That’s my strong momma, you go girl!”

Credit: Instagram / kylienicolepadilla

Ayon kay Kylie, malaki ang pasasalamat niya sa lahat ng tao na buong pusong tinanggap ang kanyang pagbabalik sa showbiz at pinagkatiwalaan ulit siya. Ang Bolera umano ay nagsilbing daan upang manumbalik ang kanyang passion sa pag-arte. Napatunayan niyang hindi nawala ang kanyang pagmamahal sa pag-arte at isa pa rin ito sa pinakagusto niyang gawin, bukod sa pagiging isang mapagmahal na ina sa kanyang mga anak.