Sikat na Aktres Noong 90s na si Jennifer Sevilla, Masaya Ngayon Bilang Full Time Wife at Mom

May nakakaalala pa ba sa aktres na si Jennifer Sevilla? Sumikat siya noong 90’s kasabayan sina Carmina Villaroel at Sheryl Cruz. Isa siya sa pinakasikat na aktres noon dahil sa kanyang galing sa pag-arte at taglay na kagandahan. Lumabas siya sa maraming pelikula at hinangaan ng maraming Pilipino.

Mas lalong nakilala si Jennifer nang mapabilang siya sa variety show ng GMA na ‘That’s Entertainment’ kung saan ang host ay si Kuya Germs o German Moreno. Tinangkilik rin ng publiko ang tambalan nila ng aktor na si Ian Veneracion kung saan bumida sila sa pitong pelikula.


Credit: Instagram / jen_sevilla

Hindi maipagkakaila noon ang kasikatan ni Jennifer na umani ng maraming tagahanga at proyekto. Ngunit nagulat ang marami nang bigla na lamang siyang nawala sa industriya ng showbiz at wala ng nakakaalam kung ano na nga ba ang lagay niya ngayon. Kamusta na nga ba si Jennifer Sevilla?

Nagkaroon ng pagkakataon ang Kapamilya network na makapanayam si Jennifer at dito niya na nga ikinwento ang kanyang buhay matapos lisanin ang showbiz. Ayon sa kanya, nilisan niya ang showbiz dahil mas gusto nyang magkaroon ng pamilya at pagsilbihan ang mga ito.


Credit: Instagram / jen_sevilla

Aminado ang dating aktres na naging mahirap ang kanyang desisyon na lisanin ang showbiz at ang pag-arte lalo na ng makita ang pagkalungkot ng kanyang mga tagahanga. Ngunit mas nangibabaw ang importansya ng kanyang pamilya kaya naging buo ang kanyang desisyon na maging isang full time wife at mom na lamang sa kanyang mga anak.

Pinanindigan niya ang kanyang desisyon nang isilang niya ang kanyang panganay na anak na si Sinom Rafa. Mas gusto umano ni Jennifer na alagaan ang kanyang anak at ibigay ang kanyang buong atensyon sa pagpapalaki dito. Ayon sa kanya hindi habang buhay na bata ang kanyang anak kung kaya’t mas gusto niyang nasa tabi siya nito habang lumalaki.


Credit: Instagram / jen_sevilla

Hindi naman ito pinagsisisihan ni Jennifer dahil wala na daw tutumbas pa sa kasiyahan niya bilang isang ina at asawa. Ang makitang maayos ang kanyang pamilya at napalaki ng maayos ang mga anak ay higit pa sa gantimpala na kayang ibigay ng showbiz sa kanya.

Sa kasalukuyan ay mayroon siyang pinapatakbong negosyo at iyon ang kanyang pinagkakaabalahan ngayong malaki na ang kanyang mga anak. Hindi na rin niya naisip na bumalik pa sa showbiz dahil masaya umano siya sa kanyang trabaho ngayon.


Credit: Instagram / jen_sevilla

Marami namang netizens at kanyang mga tagahanga na masayang malaman na nasa mabuti siyang kalagayan. Hindi rin naiwasan ng mga ito na magbalik tanaw noong artista pa si Jennifer. May mga nagsabi rin na kahit matanda na siya ay napanatili niya pa rin ang kanyang kagandahan.

“One of my favorite actress.”

“I remember my elementary days cover siya ng mga notebooks ko tapos kilig na kilig ako sa kanila ni Ian.”


Credit: Instagram / jen_sevilla

“She is my no.1 idol. Naalala ko pa pinag-aawayan noon kung sino mas maganda sa kanila ni Sheryl Cruz haha.”

“Jennifer-Ian Loveteam my favorite!”

“Ang ganda niya pa rin walang pinagbago, I’m happy for her.”

“Hindi naman panghabangbuhay ang showbiz, tama lang ang desisyon niya. Family first always.”