Babaeng Anak ni Edu Manzano na si Addie, Pinuri ng Netizens Dahil sa Angkin Nitong Kagandahan

Kilala si Edu Manzano bilang isang batikang aktor at ama ng sikat na host na si Luis Manzano, ngunit bukod pala kay Luis ay may isa pang anak si Edu na talaga namang napakaganda at may talento rin sa hosting. Pinag-uusapan ngayon ng netizens kung bakit ang napakaganda niyang anak ay hindi pumasok sa showbiz at napiling magkaroon ng pribadong buhay sa Amerika.

Credit: Instagram / addie.manzano

Si Amanda Danielle Manzano o mas kilala sa palayaw na “Addie” ay anak ni Edu Manzano sa dati niyang karelasyon na si Rina Samson na isang modelo. Kapatid niya naman sa ama ang sikat na host na si Luis Manzano, kung saan ay malapit rin siya dito. Ang kanyang angking kagandahan ay parehong namana niya sa kanyang mga magulang, kung saan ay pasado sa showbiz bilang artista sana.

Credit: Instagram / addie.manzano

Sa taglay niyang ganda ay maraming netizens ang nagtataka kung bakit hindi siya pumasok sa showbiz katulad ng kanyang ama at Kuya Luis. Sa katunayan ay mayroon din siyang talento sa hosting katulad ng kanyang Kuya, at matatandaang naging host na siya sa ilang seasons ng UAAP at talaga namang makikita ang galing niya sa pagsasalita at pagharap sa camera.

Credit: Instagram / addie.manzano

Bukod sa hosting ay nagkaroon din ng pagkakataon si Addie na maging modelo ng sikat na local clothing brand na Bench at isang kumpanya ng whitening product. Ang pagiging modelo ay malamang na namana niya sa kanyang ina na si Rina. Gayunpaman, imbes na ipagpatuloy ito at pumasok sa showbiz bilang artista, mas pinili pa rin ni Addie na mamuhay ng tahimik malayo sa ilaw ng showbiz at atensyon ng publiko.

Credit: Instagram / addie.manzano

Nakapagtapos si Addie ng kursong Bachelor of Arts in Communication sa Ateneo de Manila University. Matapos niyang makapagtapos ay nagdesisyon siyang manirahan sa New York kasama ang kanyang inang si Rina, at doon abutin ang kanyang pangarap at mamuhay ng tahimik.

Samantala, kahit malayo na si Addie sa kanyang ama dito sa Pilipinas ay hindi pa rin nito hinayaan na mapalayo sa anak. Madalas puntahan ni Edu ang kanyang anak sa New York upang makaroon sila ng bonding moments at mag-travel sa tuwing walang TV project. Masaya si Edu para sa kanyang anak at nirerespeto niya ang desisyon nito na umiwas sa showbiz at sundin ang pangarap sa banyagang bansa.

Credit: Instagram / realedumazano

Marami namang netizens ang napapatanong sa lovelife ni Addie, lalo na at napakaganda niyang dalaga. At dahil sa taglay niyang kagandahan, hindi na nakakapagtaka na magkaroon siya ng foreigner na kasintahan na si Jared Glassman na madalas niyang kasama, at suportado siya sa mga gustong gawin sa buhay. At ngayon nga ay engaged na ang dalawa, at malapit ng ikasal saad ni Edu sa kanyang post sa Instagram.

Credit: Instagram /realedumanzano

“Gorgeous!”

“Mana sa Tatay, basta Manzano for sure maganda lahi.”

“Pwedeng pwede sa showbiz, talented sa hosting tapos ang ganda pa!”

Credit: Instagram / addie.manzano

“Gwapo ang Tatay at maganda ang Nanay kaya malamang ang ganda-ganda ng anak.”

“Hindi lang maganda, obvious na na edukada at elegante rin.”

Maraming netizens ang pumupuri kay Addie at hindi talaga maiwasan na manghinayang sila dahil hindi ito pumasok sa showbiz. Gayunpaman, masaya sila na kahit papano ay nasisilayan nila ito sa Instagram at nakikita ang masaya nitong buhay sa Amerika.