Nadine Samonte, Hindi Ikinahiya ang Pagbebenta ng Daing at Dilis Noong Kasagsagan ng Pandemya

Si Nadine Samonte ay isang Filipina-German actress na sumikat matapos niyang sumali sa first season ng sikat na reality TV show na Starstruck. Isa siya sa mga nangningning na bituin sa industriya ng showbiz, kung saan ay gumanap siya sa maraming teleserye at pelikula.

Credit: Instagram / nadinesamonte

Ikinasal si Nadine noong October 30, 2013 sa kanyang partner na si Richard Chua na isang businessman. Sa kasalukuyan ay mayroon na silang tatlong anak na sina Heather, Titus at Harmony. Matapos ngang iwan ni Nadine ang mundo ng showbiz ay naging priority niya ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang mga anak.

Nito lang ay nag-trending si Nadine matapos niyang ibahagi sa publiko na ang kanyang bagong hanapbuhay ay ang pagtitinda ng mga dried fish o daing. Malayo sa glamorosang buhay niya sa showbiz ang bagong hanapbuhay, ngunit proud itong ibinahagi ni Nadine sa publiko at walang halong kahihiyan.

Credit: Instagram / nadinesamonte

Dahil sa pandemic ay aminado si Nadine na naapektuhan ang kanilang hanapbuhay, kaya naman naisipan niyang magtinda ng mga daing na isda: danggit, sweet pusit, palad flakes, big dilis boneless at small dilis. Ang pagtitinda ng mga daing ang naging alternatibong paraan ni Nadine para kumita at makatulong sa kanyang pamilya.

Hindi ikinakahiya ni Nadine ang kanyang bagong hanapbuhay lalo na’t nasa panahon ng pandemya at mahirap ang buhay. Walang maitutulong ang pagiging mahiyain, dapat ay maging madiskarte sa buhay para kay Nadine. Hanggat walang ginagawang masama at marangal ang trabaho, ay kahit kailan hindi mahihiya si Nadine sa kanyang pagiging Danggit at Dilis Queen.

Credit: Instagram / nadinesamonte

Hindi ako nahihiya na magbenta ng ganito kasi sa panahon ngayon kelangan natin maging madiskarte and hindi nakakahiya kasi masarap talaga. Ang sabi ng asawa ko the new D&D queen daw ako ng south hahaha meaning? Danggit and Dilis hahaha.”

Credit: Instagram / nadinesamonte

Ang danggit at dilis ay paborito nilang pagkain ng kanyang pamilya kaya naman ito ang naisip ni Nadine na gawing negosyo. Nagmula pa sa Masbate ang mga ibinebenta ni Nadine kaya naman talagang masarap ang kanyang mga produkto. Madalas nga daw itong maubos at marami na siyang mga loyal customers. Maraming ngang netizens ang humanga sa aktres at nais maging reseller ng kanyang mga produkto.

Credit: Instagram / nadinesamonte

Tunay na kahanga-hanga at isang inspirasyon si Nadine Samonte sa mga netizens. Kahit napakalayo ng pagbebenta ng daing sa pag-aartista niya noon, hindi siya nahiyang ipagmalaki ito sa publiko. Patunay ito na hindi lang nasusukat ang tagumpay sa glamorosang bagay, kahit ang simpleng pagtitinda ng daing ay tagumpay rin basta masaya ka sa ginagawa mo at wala kang tinatapakang tao.