Sweet Moment ng mga Anak nina Kaye Abad at Paul Jake Castillo, Naghatid Good Vibes sa Netizens

Ang kasiyahan ng mga magulang ay madalas nakukuha sa kanilang mga anak. Kahit simpleng bagay tungkol sa kanilang anak ay nakakataba na ng kanilang puso, at napapawi na nito ang kanilang pagod. Isa na nga dyan ang inang si Kaye Abad na masayang ibinahagi ang sweet moment ng kanyang dalawang anak.

Credit: Instagram / kaye_abad

Si Katherine Grace “Kaye” Abad-Castillo ay isang Filipino-American na aktres. Bukod sa angking ganda, ay hinagaan rin siya ng marami dahil sa kanyang galing sa pag-arte. Ikinasal siya noong taong noong December 9, 2016 sa aktor at businessman na si Paul Jake Castillo sa hometown nito sa Cebu City.

Makalipas ang isang taon ay ipinaganak niya ang kanilang panganay na si Joaquin noong December 22, 2017. At noong Setyembre 2, 2021 naman ay ang bunsong si Inigo. Makikita ang pagiging masaya sa buhay pamilya ni Kaye at ang kanyang pagiging hands-on mommy sa dalawang anak.

Credit: Instagram / kaye_abad

Matapos ikasal noong 2016 ay huminto muna sa pag-arte ang aktres upang pagtuunang pansin ang bagong yugto ng kanyang buhay. Masaya ngayong naninirahan si Kaye at ang kanyang pamilya sa hometown ng kanyang asawa sa Cebu City, kung saan ay nagtayo sila ng negosyo at tinutulungan rin ang asawang si Paul Jake.

Credit: Instagram / kaye_abad

Bilang isa siyang hands-on mommy ay nakikita lahat ni Kaye ang sweet at priceless moments ng kanyang mga anak. Sa kabila ng apat na taon na agwat ng kanyang mga anak, ay hindi maipagkakaila ang pagiging malapit ng dalawa. Isang larawan nga ang ibinahagi nya sa Instagram kung saan makikitang nakahiga sa kama at magkaharapan ang anak na si Joaquin at Inigo. Parehong nakangiti ang dalawa sa isat-isa at tila ba ay nagkukwentuhan ang mga ito.

Credit: Instagram / kaye_abad

Ang larawan ay may caption na “priceless” na inulan ng maraming heart reactions ng mga netizens at pinuri ang ka-cute-an ng kanyang mga anak. Marami pa nga ang nagsabi na nagmana ang kanyang mga anak kay Paul Jake dahil nakuha ng mga ito ang singkit na mata ng kanyang asawa.

“Awww so cute!”

“Mga gwapito. Intsik boys.”

“Adorable kids!”

“Sweet naman nila.”

“So cute, ang lakas ng dugo ng tatay.”

Credit: Instagram / kaye_abad

Isang inspirasyon si Kaye sa marami dahil sa pagiging isa niyang hands-on mommy. Hinangaan rin siya ng lahat dahil hindi madaling desisyon na iwanan ang showbiz na kanyang kinalakihan. Sa ngayon ay ini-enjoy muna ni Kaye ang kanyang pagiging isang ina at asawa, hindi naman daw niya sinasara ang kanyang pinto sa pagbabalik sa showbiz, ngunit habang bata pa ang mga anak ay sila muna ang kanyang focus.