Angge, Ipinasilip ang Bagong Yugto ng Kanyang Buhay Bilang ‘First Time Mom’

Si Angeline Quinto ay kilala bilang isang aktres at sikat na mang-aawit. Kamakailan lang nang ibalita niyang siya ay nagdadalang-tao sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Nonrev Daquina na ikinagulat ng publiko. At nito nga lang April 27, 2022 ay ipinanganak ni Angeline ang kanyang anak na si Baby Sylvio.

Credit: Instagram / loveangelinequinto

Bilang isang first time mom, aminado si Angeline na maraming nagbago sa kanyang buhay. Nanibago siya sa mga pagbabago sa kanyang sarili, at nagsumikap siyang mag-adjust upang tuluyang yakapin ang pagiging isa niyang ina. Sa kabila ng mga pagbabago, masayang-masaya si Angeline sa pangyayari sa kanyang buhay, itinuturing nyang greatest blessing ang pagdating nga kanyang anak na si Baby Sylvio.

Credit: YouTube / Love Angeline Quinto

Nito lang ay ibinahagi nga ni Angeline sa kanyang latest vlog ang kanyang buhay bilang isang first time mommy. Ang vlog ay pinamagtan niyang “A Day in a Life as a New Mom.” Dito niya ikinwento ang mga pagbabago sa kanyang buhay lalo na sa kanyang physical appearance, na normal lang na nangyayari sa mga babaeng nagbuntis at bagong panganak.

Ayon kay Angeline, nakaranas siya ng pamamanas ng kanyang ilong, at mas maaga na siyang gumigising kumpara dati para mag-almusal habang tulog pa ang kanyang baby. Sa oras kasi na nagising na si Baby Sylvio ay ito na ang kanyang priority at hindi na siya nakakagawa ng ibang bagay. Pinagbawalan rin umano siya ng kanyang doktor na uminom ng kape, dahil siya ay nagpapa-breastfeed.

Credit: YouTube / Love Angeline Quinto

Makikita sa kanyang vlog kung gaano ka-hands on mommy si Angeline sa kanyang anak. Naka-organize ang mga gamit nito upang hindi sya mahirapan sa tuwing kukuha ng gamit na kailangan ni Baby Sylvio. Siya rin ang mismong nagpapaligo at nagpapalit ng diaper ng kanyang anak, na kahit mahirap ay enjoy na enjoy niyang ginagawa.

Aminado si Angeline na hindi biro maging isang ina, lalo na at first time niya ito. Nakakapagod ngunit sa oras na hawak niya na ang ang anak at nakikita niya ito ay nawawala lahat ng kanyang pagod. Napaka-fulfilling sa pakiramdam ang alagaan ang kanyang baby, na itinuturing niyang greatest blessing ng kanyang buhay.

Credit: Instagram / loveangelinequinto

Katuwang niya naman sa pag-aalaga ang kanyang partner na si Nonrev, na palaging nasa tabi nila ng kanyang anak at inaalayan siya. Nagpapasalamat naman si Angeline sa lahat ng mga kaibigan at kapwa artista na nagbigay ng regalo sa kanyang baby, at ang mga fans na nagpahatid din ng mga regalo. Malaking tulong umano ang mga regalong gamit na lubos nyang pinagpapasalamat.

Credit: Instagram / loveangelinequinto

Sa kasalukuyan ay umani na ng 1.7 million views ang vlog na ito ni Angeline. Maraming netizens at mga taga-suporta ang nagpahatid ng pagbati sa kanyang pagiging bagong ina, at nag-aabang sa mga bago niya pang vlogs tungkol kay Baby Sylvio at journey niya as a new mommy.