Misis, Nakatanggap ng 50k Reward Mula sa Mister Matapos Magbawas ng Timbang

Hindi madali ang magpapayat o mag-diet dahil kailangan ito ng matinding determinasyon at disiplina. Hindi basta nakukuha ang slim at sexy body sa loob lang ng isang araw, marami ang inaabot ng ilang buwan at taon bago nila ma-achieve ang body goal na nais. Kaya naman marami ang hindi nagtatagumpay at dumadaan na lang sa surgery pagtanggal ng taba.

Isang babae mula sa Davao City ang sinuportahan ng kanyang asawa sa kanyang pagpapapayat. Si Cris Cringol ay isang misis na mayroong dalawang anak, at nais magbawas ng timbang dahil lumaki umano ang kanyang katawan.

Credit: Facebook / Cris Cringol

Aminado si Cris na sobrang hirap magpapayat lalo na at abala siya sa pag-aalaga sa kanyang dalawang anak. Hindi rin madali ang maging disiplinado sa pagkain at pag-iwas sa matataba. Maski ang pag-eehersisyo ay nakakapagod lalo na kung hindi ka sanay.

Nakita ng kanyang asawa ang kagustuhan niyang magpapayat kaya naman sinabihan umano siya nito na magbibigay ng reward na pera na halagang 50,000 pesos kapag pumayat siya. Nagsimula lang umano ito sa biruan ngunit kalaunan ay sineryoso na rin nilang mag-asawa bilang motibasyon na rin sa kanyang pagpapayat.

Credit: Facebook / Cris Cringol

“It started as a joke po siya, Ma’am. Kasi before nagka-baby is sige po sabi yung husband ko na ang sexy ko daw po noon hahahaha. Tapos ngayon nagka-baby na ng dalawa medyo lumaki na daw talaga ako,” saad ni Cris.

Labis naman ang saya ni Cris dahil nakita niya ang suporta ng kanyang asawa. Hindi biro ang 50,000 reward kaya naman mas na-motivate siya, at upang ipakita na kaya niyang ibalik ang dati niyang payat na katawan. Paraan niya na rin ito upang bumalik ang kanyang confidence sa sarili at makapagsuot na ng mga gusto niyang damit.

Credit: Facebook / Cris Cringol

“Ako mismo nag start ng diet-diet and exercise kasi nakita ko na ang laki ko na po talaga, siguro nakita niya na kailangan pa ko ng motivation, nag-offer po siya na magbigay ng reward para mas maganahan pa po daw ako.”

Ginawang motibasyon ni Cris ang 50,000 at masipag na nag-eehersisyo tuwing umaga pagka-gising niya at tuwing gabi tuwing bago siya matulog. Binantayan niya rin ang kanyang mga kinakain at mas piniling kumain ng healthy foods. Nakakapagod man at mahirap ay hindi sumuko si Cris.

“Hanggang sa time na naging challenge na po kung kaya ko po daw magpapayat. May 2021 po yun Ma’am, dapat ang goal is 58 kilos lang sa October po dapat ang goal is 58 kilos lang sa October po dapat. Yun po Ma’am pag aoctober 55 na lang po ang timbang from 72 kilos.”

Credit: Facebook / Cris Cringol

Pagkatapos nga ng ilang buwang pagda-diet ay na-achieve niya na ang tamang timbang na gusto niya. Nahigitan pa nga niya ang sinet na standard ng kanyang asawa na 58 kilos dahil ngayon ay 55 kilos na lang ang kanyang timbang. Nabawasan lang naman siya ng 17 kilos kaya matagumpay niyang nakuha ang reward money na pinangako ng kanyang asawa.

Ayon kay Cris hindi lang siya basta nagpapayat para sa reward kundi para talaga sa kanyang sarili. Importanteng nasa tamang timbang siya upang mapanatili ang healthy na katawan at maiwasang magkasakit.

Credit: Facebook / Cris Cringol

“Sana all may 50k.”

“Good job Ma’am, swerte po kayo sa asawa dahil supportive siya sa inyo at concern sa health nyo.”

“Congrats Mamsh, deserve mo ang 50k, aba ang hirap kaya mag diet no!”

“Kahit ako gaganahan talaga ako mag-exercise pag may reward, haha. Congrats po.”

“Wow sexy na! Keep it up Ma’am, kahit walang reward patuloy ka pa ring mag-exercise.”

Masaya naman si Cris sa naging resulta ng kanyang pagda-diet. Nagpapasalamat din siya sa kanyang asawa at kahit tumaba siya ay hindi siya iniwan at sa halip ay minotivate pa siya para magpapayat.