Matteo, Proud Husband sa Bagong Achievement ng Kanyang Misis—”Chef Sarah”

Si Sarah Geronimo ay isang kilalang magaling na mang-aawit at artista. Sumikat siya noong 2002 matapos manalo sa television singing contest na Star for a Night. Ang kanyang galing sa larangan ng pag-awit at overall performance ay hinangaan sa buong bansa kaya naman binansagan siyang Popstar Royalty. Bukod nga sa pag-awit ay nagpakitang gilas din siya sa pag-arte na mas lalong nagpasikat kay Sarah. Makailang beses na siyang bumida sa mga pelikula na pinilahan ng maraming Pilipino sa sinehan.

Credit: Instagram / justsarahgph

Hindi maipagkakaila na isa si Sarah Geronimo sa pinaka-maningning na bituin sa industriya ng showbiz. Simula noon hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin ang kanyang kasikatan kahit pansamantala na siyang huminto sa mundo ng showbiz matapos ikasal sa actor-entreprenuer na si Matteo Guidicelli.

Ikinasal si Sarah at Matteo noong February 20, 2020 na nagpagulat sa marami. Ang kanilang kasal ay isinikreto sa publiko, na nagkaroon pa nga ng isyu matapos magkaroon ng kaguluhan patungkol sa kanyang ina na si Mommy Divine. Gayunpaman, nanatiling matatag ang relasyon ng dalawa at patuloy ang masaya nilang relasyon bilang mag-asawa.

Credit: Instagram / matteog

Dahil sa pansamantalang paghinto ni Sarah sa showbiz, nagkaroon naman siya ng ibang pinagkakaabalahan. Bukod pala sa galing niya sa pag-awit at pag-arte ay may talento rin sa kusina si Sarah. Noon pa man ay interesado na si Sarah sa pagluluto, at matatandaan pa nga na noong 2016 ay kumuha sila ng cooking lesson ni Matteo sa ilalim ni Chef Gene Gonzales.

Nito nga lang ay proud na nag-post si Matteo ng larawan sa Instagram kasama ang kanyang nakababatang kapatid at si Sarah na may hawak na certificate. Ang nasabing certificate ay katunayan ng pagtatapos ni Sarah sa kanyang baking class sa ilalim ng sikat na Heny Sison Culinary School.

Credit: Instagram / matteog

Halata sa ngiti ni Matteo kung gaano siya ka-proud bilang asawa sa bagong achievement ng kanyang misis. Ang post ay may caption pa nga na “Super proud of you my love!!! Officially graduated from baking school!!! CONGRATULATIONS! Yesssss “chef sarah” it is!! We are super proud of you! Your achievements are limitless because you always strive for excellence! I love you!” #proudhusband

Mababasa sa certificate na pinarangalan si Sarah ng ‘Certificate of Merit’ sa ‘The Essential Baking and Pastry Series’ at pinatunayan nga ito mismo ni Chef Sison matapos magkomento sa post ng “Congratulations, Sarah! You are now a Pastry Chef.”

Credit: Instagram / justsarahgph

“Yey! I hope that means that I can buy your delicious cupcakes again,” komento ni Dr. Vicky Belo.

“Awwww congratulations Sars,” pagbati ni Nikki Gil.

“Wooooow congrats @justsarahgph,” pagbati naman ng news anchor na si Karen Davila.

Credit: Instagram / matteog

Isang magandang halimbawa si Matteo ng pagiging mabuting mister sa kanyang misis. Ang kanyang suporta sa asawa ay hinangaan ng marami at makikita umano ang pagmamahal nito kay Sarah. Dumaan man sila sa isyu at pagsubok, pinatunayan ni Matteo na mas matibay ang pagmamahal niya sa asawa.

Credit: GMA Artist Center

Naging inspirasyon naman si Sarah sa marami na huwag matakot sumubok ng ibang bagay. Malayo man sa nakasanayan niyang pag-awit at pag-arte ang pagluluto at pagbi-bake, ipinakita niyang kaya niya pa ring maging magaling ano mang bagay ang kanyang gawin. Bilang isa na siyang misis at hindi malabong magkaroon ng anak sa hinaharap, ang pagluluto at pagbi-bake ay magiging malaking tulong upang mas mapaganda ang relasyon nilang pamilya.