Pinay Caregiver, Binansagang “Hero Nanny” Matapos Iligtas ang Dalawang Alaga sa Aksidente

Ang pagiging isang caregiver o tagapag-alaga ay hindi madaling trabaho ngunit lahat ay kinakaya para sa pamilya. Sa pag-aalaga, hindi lang pagod at oras ang ibinibigay, miski ang sarili ay isasakripisyo magawa lang ng maayos ang trabaho. Tulad na lamang ng Pinay caregiver na ito na binansagang “Hero Nanny” matapos isakripisyo ang sarili para sa kanyang mga alaga.

Si Jillian Mendoza ay isang caregiver sa bansang Canada kung saan ay nag-aalaga siya ng dalawang bata. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nasangkot siya sa isang aksidente na naging dahilan para magtamo sya ng multiple bone fractures, head injuries at sumailalim sa ilang beses na operasyon.

Credit: Anak Bansa

Ayon sa ulat ng mga pulis, habang naglalakad si Jillian tulak ang stroller ng kanyang dalawang alaga na dalawang taon at limang taon ay mayroong sasakyan na nawalan ng kontrol. Isang 82-year-old na lalaki ang sinusubukang mag-park ng SUV nitong sasakyan nang bigla itong nawalan ng kontrol at nabangga nito si Jilllian.

Ayon sa mga nakasaksi, iniwas umano ni Jillian ang stroller sa paparating na sasakyan kaya siya lamang ang nabangga at sumalo ng lahat ng pinsala. Hindi biro ang nangyaring pagkabangga sa kanya na inakala ng lahat na hindi na siya makakaligtas. Sa kabutihang palad ay nadala agad siya sa ospital at ang kanyang dalawang alaga ay galos lang ang natamo.

Credit: Anak Bansa

“From witness accounts we’re getting so far, she actually sounds like she’s a hero. She possible pushed this stroller out of the way of the vehicle. When officers arrived on scene, the stroller was actually partially pinned between the vehicle and the wall,” saad ni Toronto police Duty Inspector, Michael Williams.

Kwento naman ng kaibigan ni Jillian na si Cheryl Catricala, pauwi na umano si Jillian at ang mga bata upang managhalian ng mangyari ang insidente. Nagpapasalamat si Cheryl na maayos ang kalagayan ng mga bata at buhay si Jillian na nagpapagaling na sa ospital.

Credit: Anak Bansa

“I thanked God the kids are okay and Jillian is fine and we pray for her,” saad ni Cheryl.

“She’s doing fine, she’s recovering well, her boyfriend is beside her taking care of her,” pahayag naman ng isa pang kaibigan na si Raychel Buebos.

Credit: Anak Bansa

Naglunsad naman ng GoFundMe page upang matulungan pa si Jillian sa kanyang mga operasyon at recovery. Ayon sa organizer na si Anne Manuel, si Jillian ay isang single mother at tanging bumubuhay sa kanyang pamilya kaya napakalaking bagay ng page para mas matulungan pa siya. Lalo na at pansamantala siyang hindi muna makakapagtrabaho dahil sa mga natamo niyang injuries. At maaaring matagalan pa bago siya makabalik sa dati.

“Thank you everyone for the support and love, thank you, I love you, thank you for the prayers,” pasasalamat ni Jillian.

Credits to the rightful owner

Sa kasalukuyan ay umabot na ng 165,299 dollars ang nalikom na donasyon ng page. Masaya at lubos ang pasasalamat ni Jillian sa lahat ng taong tumulong sa kanya at ipinagdadasal ang kanyang paggaling.

“She is so brave. I told her about all the support she is getting from everyone. The love, kind words, prayers and financial support—she was so overwhelmed. She never expected it. Let us continue to pray for her recovery and healing,” pahayag ni Anne.

Talaga namang kahanga-hanga ang kabayanihang ginawa ni Jillian. Ang kanyang hindi pagdadalawang isip na iligtas ang kanyang dalawang bata ay dapat lang hangaan at purihin. Hindi niya man kadugo ang mga bata, itinuring niya itong parang sarili niyang anak at kayang isakripisyo ang buhay para lang sa kanilang kaligtasan.