Kilalanin ang Mga Naggagandahang Anak ni Paolo Contis Kina Lian Paz at LJ Reyes

Kilala si Paolo Contis bilang isang magaling na aktor at komedyante. Nagsimula ang kanyang karera sa showbiz noong bata pa lamang siya, at isa siya sa kinilalang hearthrob noon dahil sa taglay na kagwapuhan. Mula noon at hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pag-arte ni Paolo at pagpapakitang gilas niya sa pag-arte.

Matatandaan na sumikat ang pinagbidahan niyang pelikula noong 2018 kasama ang aktres na si Alessandra de Rossi na “Through Night and Day.” Umani ito ng maraming papuri mula sa mga netizens dahil sa nakakantig at nakakaiyak nitong kwento. Maliban nga sa pagiging mahusay niyang aktor ay nagustuhan rin ng publiko ang kanyang kagwapuhan at pagiging nakakatawa niya.

Credit: Instagram / paolo_contis

Dahil sa kanyang kagwapuhang taglay ay hindi lingid sa kaalaman ng marami na madami na ring babae ang nahumaling sa kanya. Isa na nga dyan ang dati at una niyang karelasyon na si Lian Paz. Sila ay nagkaroon ng dalawang anak na babae na biniyayaan rin ng magandang mukha na tila minana sa kanilang ama na si Paolo.

Credit: Instagram / liankatrina

Si Xalene at Xonia ay mga anak ng aktor na si Paolo sa dating karelasyon na si Lian Paz. Pinag-uusapan nga sa social media ang dalawang bata dahil sa taglay na kagandahan ng mga ito na papasa umanong artista. Marami ang nagsabi na namana ng dalawa ang kanilang kagandahan sa kanilang ama.

Credit: Instagram / liankatrina

Madalas ngang ibahagi ni Lian sa social media ang pagiging proud niya sa kanyang mga anak. Bukod sa magaganda ang mga ito, ay magaling rin ang magkapatid sa pagsayaw. Kung gugustuhin nga ng dalawa ay madali na lang itong makakapsok sa mundo ng showbiz.

Credit: Instagram / paolo_costis

Ang bunsong anak naman ni Paolo na si Summer, na anak niya sa kakahiwalay lang na asawang si LJ Reyes ay may taglay ring kagandahan at kakyutan. Matatandaan na madalas noon ibahagi ni Paolo ang bonding nila ng anak na si Summer sa social media, kung saan ay makikita nga itong umaarte na tinawag nilang ‘Acting 101’.

Credit: Instagram / liankatrina

Ang mga anak ni Paolo ay tila natural ang pagkakaroon ng talento na malamang ay namana rin sa kanya. Isang magandang bagay ang pagkakaroon rin nga ito ng magandang mukha na bagay na bagay sa showbiz. Ngunit ayon sa kanya, desisyon pa rin ng kanyang mga anak ang pagpasok sa showbiz. Hindi niya ito pinipilit at kung dumating ang panahon na gusto na nilang mag-showbiz ay susuportahan niya ang mga ito.

Credit: Instagram / liankatrina

“Syempre, malaking edge na iyon na mag-showbiz sila, yung Tatay nila, nasa showbiz,” pahayag ni Paolo.

“Malaking bagay iyon. May mga bagay silang hindi na kailangan pagdaanan. May mga bagay na pwedeng protektahan sila before whatever, kasi, meron ng inside people to support them,” pahayag noon ni Paolo.