Neri Naig, Nagtapos ng Kolehiyo sa Kabila ng Pagiging Matagumpay na Entrepreneur

Si Neri Naig ay isang kilalang aktres at ngayon ay isa ng matagumpay na entreprenuer. Ipinanganak sya noong ika-7 ng Setyembre taong 1985 sa probinsya ng Quezon. Napangasawa niya ang bokalista ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda, at sila ay nagkaroon ng mga anak na sina Pia, Miggy, at Cash.

Bukod sa pagiging aktres noon ay mas nakilala si Neri bilang isang matagumpay na entrepreneur at madiskarteng asawa at ina. Hinangaan siya ng maraming netizens dahil sa kanyang magagandang payo at diskarte tungkol sa buhay pamilya. Naging inspirasyon siya ng maraming misis na nagbibigay sa kanya ng suporta sa social media.

Credit: Instagram / mrsnerimiranda

Bilang isag matagumpay na entrepreneur, marami ng naipundar na ari-arian si Neri. Ngunit sa kabila ng pagiging matagumpay sa larangan ng negosyo ay napili niya pa ring magkolehiyo at kumuha ng kursong Business Administration sa University of Baguio. Ipinakita lamang niya na sa kabila ng tagumpay ay importante pa rin ang edukasyon—na maituturing niyang tunay na yaman na walang makakakuha sa kanya.

Credit: Instagram / mrsnerimiranda

Kamakailan nga lang ay ibinahagi niya sa kanyang Instagram account ang matagumpay niyang pagtatapos sa kinuhang kurso. Makikita ang napakagandang ngiti ni Neri habang suot ang kanyang toga, ngunit mapapansin rin sa larawan ang photobomber na si Chito Miranda na kanyang asawa. Bukod kay Neri na proud sa kanyang bagong achievement, ay tila mas proud nga ang kanyang asawa na si Chito sa kanyang pagtatapos.

Credit: Instagram / mrsnerimiranda

Ang larawan nga ay kinaaliwan ng maraming netizens dahil masasabi talaga kung gaano kasaya at ka-proud si Chito sa kanyang asawa. Binigyang caption naman ni Neri ang larawan ng “Finally” at nilagyan ng hashtags na #ETEEAPStudent, #BusinesAdministration #UniversityofBaguio.

Credit: Instagram / mrsnerimiranda

Sa comment section naman ay makikita ang komento ni Chito ng pagbati niya sa kanyang asawa ng “Congrats, Ms. Neri!!!” Ang pagtatapos ni Neri ay kasiyahan rin ng kanyang pamilya lalo na ng kanyang asawa. Magiging malaking tulong rin ang kanyang edukasyon upang mas lalong maging matagumpay siya sa negosyo, at marami pa siyang maibabahaging karunungan sa mga netizens, lalo na sa mga misis na katulad niya.

Credit: Instagram / mrsnerimiranda

Isang magandang halimbawa si Neri sa lahat kung gaaano kahalaga ang edukasyon. Sa kabila ng pagiging matagumpay niya sa negosyo ay iba pa rin ang may natapos. Ang karunungan na makukua sa pag-aaral ay hindi basta-basta dahil magiging malaking tulong ito sa paglago hindi lang ng negosyo kundi pati ng sarili. Sa kabila rin ng kanyang edad na 36, ipinakita niya na kahit anong edad ay maaaring bumalik sa pag-aaral.