Tattoo Artist, Walo ang Asawa at Lahat ay Kasama Niya sa Iisang Bubong

Ang relasyon ay binubuo lamang ng isang babae at isang lalaki, kapag sumobra ay tiyak na away at gulo ang aasahan. Hindi normal na magkaroon ng higit sa isang karelasyon o asawa dahil masama ito sa paningin ng Diyos at ng tao. Ngunit ibahin nyo ang lalaking ito, na may walong asawa lang naman.

Hindi isa at lalong hindi rin dalawa ang asawa ni Ong Dam Sorot mula sa Thailand kundi walong mga babae. Hindi lang ito basta simpleng karelasyon kundi kasama niya ang walong babae sa iisang bahay na ipinagtaka at ikinamangha rin ng netizens dahil mukha daw masaya ang mga babae at hindi nag-aaway.

Credit: New York Post

Sa isang interview ay masayang ikinuwento ng tattoo artist na si Ong Dam Sorot na masaya sila ng kanyang walong asawang naninirahan sa iisang bahay na parang isang pamilya. Walang pag-aaway na nagaganap at ang lahat ay nagkakaintindihan na parang isa talaga silang tunay na pamilya at walang hatian na nagyayari.

Sa Youtube ay lumagpas na sa 3 million views ang interview kay Sorot kung saan ipinakilala niya ang kanyang mga asawa at ikinuwento kung papaano niya nakilala ang mga ito. Ayon sa mga babae, si Ong Dam Sorot umano ay napakabait at mapagbigay na asawa kaya naman nagkakasundo ang lahat at walang away na nagaganap sa loob ng kanilang tahanan.

Credit: New York Post

Nakilala ni Sorot ang una niyang asawa na si Sprite sa kasal ng isa niyang kaibigan at agad niya itong niyayang magpakasal. Ang pangalawang asawa ni Sorot na si Nong L ay nakilala niya sa palengke at ang pangatlo na si Nong Nan naman ay sa ospital. Ang pang apat, lima at anim na asawa ni Sorot ay nakilala niya sa social media na Instagram, Facebook at TikTok.

Habang sa Phra Pathom Chedi temple naman si Sorot ng nakilala niya ang kanyang pang pitong asawa na si Nong Film. Samantala, nakilala ng lalaki ang pang walong asawa niya na si Nong Mai habang nasa bakasyon siya kasama ang apat na asawa.

Credit: New York Post

He is probably the most caring and considerate man we have ever seen,” saad ng walong babae.

Inilarawan din nila ito bilang isang mabait at maalagang asawa kaya naman masaya sila sa relasyon kahit marami silang asawa nito. Pantay-pantay umano ang ibinibigay nitong pagmamahal sa bawat isa kaya hindi sila nagkaka-inggitan at nagkaka-selosan.

Credit: New York Post

Noong tinanong umano ni Sorot ang unang asawang si Sprite kung okay lang ba rito na magkaroon pa siya ng isang asawa ay agad raw itong pumayag. “She agreed, as long as he brought his would-be second wife home, so she could meet her,” sabi ng isang article mula sa New York Post.

Para naman sa ibang asawa ni Sorot, sumang-ayon rin sila na magkaroon ng iba pang asawa ito dahil sa kanilang pagmamahal sa lalaki. Aminado ang mga babae na nahirapan sila ipaliwanag sa kanilang pamilya ang kanilang desisyon na magpakasal sa lalaking marami ng asawa, ngunit sa katagalan ay natanggap rin ito ng kanilang pamilya.

Credit: New York Post

Para naman sa mga nagsasabi na mayaman at pera lang ang habol ng mga babae ka Sorot, hindi daw ito totoo. Sa katunayan ay may kanya-kanyang pinagkakaitaan ang kanyang mga asawa kaya hindi ito umaasa sa kanyang pera.

Sa kasalukuyan ay buntis ang dalawa sa walong babae at may isa ng anak si Sorot sa unang niyang asawang si Sprite. Natutulog ang mga babae sa apat na kwarto, tig-dalawa sa isang kwarto. Mayroon pa umano silang listahan kung sino ang makakatabi ni Sorot sa kama upang walang selosan at pantay ang lahat.