Alamin ang Buhay Ngayon ng Tinaguriang ‘Pinakamagandang DJ sa Radyo’ na si Andi Manzano

Para sa mga mahilig makinig sa radyo, sino ang hindi makakakilala sa radio DJ na si DJ Andi9 ng Magic 89.9 o Andi Manzano sa totoong buhay? Hinangaan siya ng kanyang mga tagapakinig dahil sa taglay na magandang boses at galing sa pag-di-DJ. Ngunit bukod pala sa magandang boses ay may taglay rin itong magandang mukha na mas lalong nagpamangha sa mga tagapakinig.

Credit: Instagram / andimanzano

Marami ang nagulat noong iniwan niya ang pagiging radio DJ at nawalan na ng balita ang mga tagapakinig sa kanya. Ano na nga ba ang buhay ngayon ng tinaguriang DJ na may magandang mukha?

Sa kasalukuyan ay ang pagiging YouTube vlogger ang pinagkakaabalahan ng dating DJ. Ang kanyang channel ay may 146k subscribers kung saan ay ibinabahagi niya ang mga nagyayari sa kanyang buhay. Ito rin ay isang Instagram influencer na may 696k followers. Dito nga nalaman ng publiko at ng kanyang mga tagahanga na siya pala ay bumuo na ng kanyang sariling pamilya at masaya bilang isang asawa at ina ngayon.

Credit: Instagram / andimanzano

Mapapanood sa kanyang YouTube channel na ‘Andi Manzano’ kung gaano siya kasaya sa kanyang buhay pamilya ngayon. Ibinabahagi niya ang buhay niya bilang isang housewife at supportive mommy sa kanyang dalawang prinsesa. Tuwang-tuwa naman ang kanyang mga tagahanga sa estado ng buhay ngayon ng kanilang idolong DJ, kahit hindi na nila ito naririnig sa radyo ay napapanood naman nila ito sa vlog.

Credit: Instagram / andimanzano

Si Andi ay ikinasal noong Nobyembre 12, 2013 kay GP Reyes, isang club owner, restaurant at creative director ng Century Properties. Ayon kay Andi, nakilala niya ang kanyang asawa dahil sa kanyang pinsang actor-host na si Luis Manzano. Matalik umanong magkaibigan si Luis at GP kung kaya ay naging daan ito para magkakilala sila ng asawa niya. Nagsimula sila sa pagiging magkaibigan at kalaunan nga ay nagkaibigan ang dalawa at nagdesisyong magpakasal at bumuo ng sariling pamilya.

Credit: Instagram / andimanzano

Taong 2015, isinilang ni Andi ang kanyang panganay na anak na si Pilar Olivia na talaga namang napakaganda tulad ng kanyang ina. Pinag-usapan ito noon sa social media at nakakuha ng atensyon mula sa publiko. Matatandaan na lumabas pa nga sa commercial ng sikat na brand ng gatas na ‘Promil’ ang kanyang anak. Pinag-usapan rin noon ang pagdiriwang nito ng first birthday na inilunsad sa pinakasikat na club sa Manila na ‘The Palace Pool Club’ na pagmamay-ari pala ng kanyang ama.

Credit: Instagram / andimanzano

Ngayon ay nasundan na si Pilar Olivia at may kapatid na ito na si Corazon Amelia na isinilang noong Enero 2019. Makikita nga ang pagiging hands-on mommy ni Andi sa kanyang dalawang prinsesa sa kanyang mga vlogs. Samantala, hindi pa rin maiaalis ni Andi ang pagmamahal niya sa dating trabaho, kaya naman makikita pa rin syang nag-di-Dj at nagho-host paminsan-minsan kahit abala ito sa kanyang pamilya.