Denise Laurel Bilang “Living Barbie Doll”, Umani ng Paghanga sa Netizens

Si Denise Laurel ay kilala bilang isang magaling na aktres, bukod sa kanyang galing sa pag-arte ay may taglay rin siyang kagandahan na hinahangaan ng maraming netizens. Sa kabila ng pagiging abala niya sa pag-arte at bilang isang ina ay makikitang hindi niya pa rin napapabayaan ang kanyang sarili.

Sa edad na 34 ay tila dalagang nasa 20a pa lang si Denise. Palagi ngang umaani ng maraming heart reactions at magagandang komento ang kanyang mga larawan sa Instagram dahil sa kanyang ipinapakitang ageless beauty. Maraming netizens ang nagsasabi na hindi umano halatang 34 na ang aktres dahil batang-bata pa rin tingnan ang kanyang mukha at katawan.

Credit: Instagram / d_laurel

Nito nga lang ay napa-wow na naman ang mga netizens matapos niyang mag-post ng mga larawan sa Instagram na naka-ayos siya bilang Barbie. Suot ang kulay pink na damit, na may kulay pink na buhok at pinaligiran pa sya ng maliliit na gamit ni Barbie—talaga namang naging ‘living Barbie doll’ ang dating ni Denise.

Credit: Instagram / d_laurel

Ang kanyang post ay may caption na “As us favorite Barbie Ghorl” na inulan ng maraming paghanga mula sa mga netizens.

“Woooooooooah! Love it. Napakaganda. Bagay na bagay!”

“Beautiful Barbie Girl.”

Credit: Instagram / d_laurel

“Looks like a living Barbie doll.”

“Pretty in pink! Barbie na Barbie.”

“Looking young! Pretty Barbie ghorl!”

Credit: Instagram / d_laurel

Tila nga bumalik sa pagkabata si Denise dahil sa kanyang Barbie-themed photos. Hindi lingid sa kaalaman ng marami na lahat ng batang babae ay nahumaling sa Barbie doll noon kaya naman masasabing tila dream come true ito para kay Denise. Hindi lang nagkaroon ng Barbi doll, kundi siya mismo ang naging Barbie doll.

Credit: Instagram / d_laurel

Sino ang mag-aakala na ang aktres ay may 11-year old son na pala kung titingnan ang kanyang mga larawan. Makikita nga rin sa kanyang Instagram ang kanyang pagiging proud mommy sa anak na si Davian Alejandro na ipinanganak noong 2011. Ang ama ni Davian ay isang Italian-American na hindi pinangalanan ni Denise at pinanatiling pribado.

Credit: Instagram / d_laurel

Sa kabila ng pagiging isang single mom ay ipinakita nga ni Denise na hindi ito hadlang upang mapalaki ng maayos ang anak at maalagaan rin ang kanyang sarili. Isa siyang magandang halimbawa sa maraming tao, lalo na sa mga single mothers na tulad niya kung gaano ka-importante ang pagpapahalaga sa sarili. Ano man ang edad ay maaari mo pa ring gawin ang gusto mo, kahit pa mag-ala Barbie ka, basta’t masaya ka at walang inaapakang tao.