Si Dawn Zulueta ay isang beteranang aktres at isang sikat na leading lady noong dekada 90. Napangasawa niya ang politiko at businessman na si Antonio Lagdameo Jr. at nagkaroon sila ng dalawang anak, at isa na nga dun ang kanilang unica hija na si Ayisha.
Kahit matagal ng huminto sa pag-aartista si Dawn ay hindi niya pa rin sinara ang kanyang buhay sa publiko. Makikita nga sa kanyang instagram ang madalas niyang pag-post ng kanyang mga larawan at kanyang pamilya. Bukod nga sa walang kupas niyang ganda na palaging pinupuri ng mga netizens, nakuha rin ng kanyang anak na si Ayisha ang atensyon ng mga ito.

Marami ang nagsasabi na napakaganda ni Ayisha Madlen Lagdameo at manang-mana sa kanyang ina na si Dawn. Sa edad na labing dalawa ay angat na ang taglay nitong ganda gaya ng sa kanyang ina. Hindi umano maipagkakaila na namana nito ang ganda ng kanyang ina.
Kung gugustuhin umano nito ay pwede itong mag-artista dahil sa ganda nitong taglay at sigurado namana rin nito ang talento sa pag-arte ng kanyang ina. Hindi naman pinipilit ni Dawn ang kanyang anak na pumasok sa showbiz dahil bata pa ito, at mas gusto niyang suportahan ito sa kung ano ang gustong gawin.

“So pretty, mana sa Mama niyang maganda rin.”
“Dalagang dalaga na, pwede na rin mag-artista sa ganda.”
“Mix of her mom and dad. Gorgeous young lady.”

May ilan namang netizens ang nagsabi na mas kamukha umano ni Ayisha ang kanyang tatay. Ganun pa man ay di maipagkakaila na maganda talaga ang bata.
“Mas kamukha niya Papa niya, pero I must say yung elegance at vibe nakuha kay Dawn.”
“Mestisa si Dawn at morena si Ayisha. I love her skin color, so pretty bagay sa kanyang maganda.”
“She has her own beauty. No need to compare to her mother.”

Hinangaan rin ng netizens ang relasyon ng mag-ina dahil makikita umano ang pagiging malapit ng dalawa sa isat-isa. Magkasama pa nga ang dalawa na nagyo-yoga at hindi rin nagpapahuli sa pagti-tiktok na kinaaliwan ng mga netizens.
“Nakakatuwa, para lang magkapatid.”
“Galing ni Ayisha mag-Tiktok, nakakatuwa rin si Miss Dawn.”
“Sobrang cute n’yong mag-ina.”
“Mother and daughter bonding.”

Ang pagiging anak ng isang artista ay may kaakibat ng atensyon. Normal na ang makakuha ng atensyon dahil sa interes ng publiko. Gayunpaman, nais pa rin ng mga ito na magkaroon ng tahimik at simpleng buhay kung saan sila mas masaya.
Nagpapasalamat naman si Dawn sa lahat ng pumupuri sa ganda ng kanyang anak. Magkamukha man o hindi, ang anak niya ang pinakamaganda sa paningin niya bilang isang ina.