Pinay na Grade 4 Lamang ang Natapos, Matagumpay na Negosyante Ngayon

Marami ang nagsasabi na importante ang edukasyon upang maging matagumpay sa buhay. Mahalagang makapagtapos ng kolehiyo upang magkaroon ng magandang trabaho at magkaroon ng maayos at magandang buhay. Ngunit hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na makapag-aral at makapagtapos, subalit pinatunayan ng babaeng ito na hindi ito hadlang upang makamit niya ang maginhawang buhay ngayon.

Si Susan Vergara, 39-anyos na nagmula sa Bicol ay nakapagtapos lamang ng hanggang Grade 4. Mayroon umano silang anim na ektaryang lupa, ngunit simula ng mamatay ang kanyang tatay noong anim na taong gulang pa lang sya ay napabayaan na ito.

Credit: Facebook / Susan Vergara “Sue” & Ang

Noong panahon na iyon ay hindi rin umano gaano kalaki ang kita nila sa tanim na niyog at palay kaya naman mahirap rin ang buhay nila. Dahil sa hirap ng buhay ay hanggang Grade 4 lamang ang kanyang natapos at hindi na nakapagpatuloy pa sa pag-aaral.

Taong 2003 naman, sa edad na 19-anyos ay nakipagsapalaran siya sa Middle East upang magtrabho at makatulong sa kanyang pamilya. Noong naka-ipon ay umuwi sya sa Pilipinas taong 2008 upang magpatayo ng sarili niyang negosyo. Sa kasamaang palad ay nawala ng parang bula ang kanyang pera matapos siyang mabiktima ng investment scam.

Credit: Facebook / Susan Vergara “Sue” & Ang

Dahil wala na siyang pera para makapag-proseso ng papeles ay hindi na siya nakabalik sa ibang bansa. Napagdesisyunan niyang magtrabaho sa kanyang tiyahin na may-ari ng isang canteen sa Maynila. Makalipas ang apat na buwan ay nagdesisyon siyang magtatayo ng kanyang sariling negosyo matapos makaipon ulit.

Sa kanyang onting ipon ay nagsimula niyang pasukin ang buy-and-sell business. Nagsimula sya sa pagbili ng mga gulay at damit na mula sa Antipolo na ibinibenta niya naman sa Pasig. Makalipas naman ang dalawang taon ay natutunan niya ang Organic Farming matapos niyang dumalo sa isang seminar.

Credit: Facebook / Susan Vergara “Sue” & Ang

Dahil sa kanyang natutunan ay naisipan niyang pamahalaan ang kanilang lupa sa Bicol at ayusin ito. Ginamit niya ang lupa sa organic farming at naging dealer siya ng organic fertilizer at vitamins para sa mga hayop. Bilang direct seller ay kumita siya ng malaki at naging dahilan upang mas mapalago pa ang kanyang negosyo.

Ang nakakamangha ay kahit Grade 4 lamang ang kanyang natapos ay hindi ito naging hadlang upang maging matagumpay siya sa buhay. Nagsumikap siya sa kanyang negosyo at pinag-aralan rin ang maraming bagay na naging dahilan sa kung nasaan siya ngayon.

Credit: Facebook / Susan Vergara “Sue” & Ang

“Wow ang galing! Kudos sayo Ma’am sana marami ka pong ma-inspire.”

“Educational attainment is not the main reason for success, it’s the perseverance of the person that makes her successful.”

“Wala naman talaga yan sa pinag-aralan as long as may pangarap ka may determinasyon na abutin yon walang makakapigil sayo.”

Credit: Facebook / Susan Vergara “Sue” & Ang

Ipinakita ni Susan na kahit mababa lamang ang kanyang pinag-aralan ay may kakayahan pa rin siya sa pagne-negosyo. Pinatunayan niya na kahit wala siyang diploma, basta’t may pagsusumikap at tiyaga ay kaya niyang maabot ang kanyang pangarap.