Bossing Vic, Ibinahagi Kung Bakit Hindi Pa Napagbibigyan ang Hiling ni Tali na Magkaroon ng Kapatid

Kilala ang mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna bilang noontime hosts ng palabas na Eat Bulaga kung saan nga nabuo ang kanilang pagmamahalan. Sa kabila ng kinaharap na batikos ng kanilang relasyon dahil sa malayong agwat ng edad, pinatunayan nilang matibay ang kanilang pagmamahalan.

Credit: Instagram / pauleenlunasotto

Sa kasalukuyan ay mayroon na silang isang anak na babae na si Tali. Si Tali ay apat na taong gulang na at humihiling na umano ng kapatid. Dahil nag-iisang anak lang ng kanyang Daddy Vic at Mommy Pauleen ay gusto na nito ng baby sister o baby brother para maging kalaro, kung saan ay palagi umanong ipinagdadasal ng bata.

Credit: Instagram / pauleenlunasotto

“The truth, tuwing nagdadasal sa gabi ‘yan, parating sabi kay Papa Jesus niya, ‘Thank you for my Dad, thank you for my Mom. Can you please give me a baby sister or baby brother? saad ni Vic.

Sa kabila nga ng kahilingan ng kanilang anak na magkaroon ng kapatid ay hindi pa rin ito naibibigay ng mag-asawa. Ipinaliwanag naman ni Vic ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi nila maibigay ang hiling ng anak.

Credit: Instagram / pauleenlunasotto

“Ang problema ay parating katabi namin matulog e, hindi pa siya natutulog mag-isa, kailangan nasa gitna namin. Kailangan may nakaakap sa kanya, nakaakap sa Mommy, kay Daddy niya. Yun ang problema kaya hindi pa nagkaka-baby sister or baby brother si Tali. Hopefully [soon], God-willing”, ang kwento ni Vic Sotto.

Credit: Instagram / pauleenlunasotto

Malapit ang mag-asawa sa kanilang anak kaya hanggang ngayon ay kasama pa rin nila itong matulog. Kahit may sariling kwarto at may yaya ay mas gusto parin nitong tumabi sa kanila at matulog na kasama ang kanyang Daddy at Mommy. Hindi rin naman ito problema sa mag-asawa dahil gusto rin nilang katabi ang kanilang anak.

Credit: Instagram / pauleenlunasotto

Hindi dahil sa ayaw na ng mag-asawa na sundan pa si Tali o dahil hindi na nila kaya, wala lang umano silang pagkakataon na magawa ang gusto ng anak. Maski ang mag-asawa ay gusto ring mabigyan ng kapatid si Tali at madagdagan ang miyembro ng kanilang pamilya, ngunit ayaw nilang ipilit at handa naman silang maghintay kung ibibigay ng Panginoon.

Credit: Instagram / pauleenlunasotto

“Sabi ko nga e, masusundan si Tali kapag matuto na siyang matulog mag-isa. We’re trying, alam mo naman in God’s time… alam mo naman si Tali nun, we just waited for God’s timing. Nasa Panginoon. Nasa Panginoon naman lahat iyan eh, kung bigyan niya ng kasunod si Tali. Kung hindi naman, okay din naman si Tali, marami din naman siyang pamangkin na mas bata sa kanya. Marami naman siyang kalaro”, dagdag pa ng Eat Bulaga host.

Credit: Instagram / pauleenlunasotto

Sa kasalukuyan, ay nakapagtapos na si Tali ng Nursery school kung saan ay proud na proud ang kanyang mga magulang. At kahit nag-iisang anak pa rin si Tali ay hindi naman daw ito malungkot dahil napagtutuunan naman ito ng atensyon. Mayroon din itong mas batang mga pamangkin na kasama niyang maglaro kaya hindi rin ito nalulungkot.