31-Anyos, Kumikita ng 200,000 Dollars sa Pagbebenta ng Kanyang Sariling Utot

Sa lahat ng pwedeng ibenta, sino ang mag-aakala na pwede palang pagkakitaan ang utot o ang mabahong hangin na inilalabas ng isang tao? Hindi lang ito basta biro kundi totoong ibinebenta at nagbibigay ng malaking kita sa isang babae mula Amerika. Ang negosyo niyang ito ay nakakagulat na napaka-in-demand at tinatangkilik ng maraming customers.

Credit: Instagram / stepankamatto

Ginulat ng Amerikanang si Stephanie “Stenpanka” Matto ang marami matapos niyang magsimula ng negosyo ng pagbebenta ng kanyang sariling utot. Sa lahat ng negosyong pwede niyang patakbuhin ay ito ang naisip niya kung saan ay kumikita siya ng malaki.

Si Stenpanka ay isang sikat na Youtuber at lalong nakilala sa reality show na 90 Day Fiance. Siya ay 31-anyos at ang pinagkakaabalahan niya sa buhay ay ang social media. Sa kasalukuyan ay mayroon na syang 376k subscribers sa kanyang Youtube channel kung saan ay nagbabahagi siya ng tungkol sa kanyang buhay at mga video reactions.

Credit: Instagram / stepankamatto

Ngunit bukod pala sa vlogging ay isa sa pinagkakakitaan ni Stepanka ay ang pagbebenta ng kanyang ‘Jarred Farts’ o mga naka-garapon na utot nya. Hindi makapaniwala ang lahat ng kanya itong ibahagi at ang marami ay tinawanan pa siya. Sino nga naman ang mag-aakala na pwede palang ibenta ang utot at may seryosong bibili nito. Tanging si Stepanka lamang ang nakaisip nito at matagumpay niya itong nagawa.

Ang unang batch ng 97 na pirasong garapon ng utot ay nabenta niya sa halagang 500 dollars kada isa, at mabilis umano itong naubos kung saan ay kumita siya ng halos 50,000 dollars. Ang ikalawang batch naman ay ibinenta nya ng 1,000 dollars kada isa at kumita umano sya dito ng 200,000 dollars, o nasa sampung milyong piso sa pera natin.

Credit: Instagram / stepankamatto

Ayon kay Stepanka ay nagsimula lamang ito sa biro ngunit hindi niya akalain na maraming seseryoso at totoong bumili ng kanyang mga utot sa garapon. Mabilis rin itong nauubos palagi at napakataas ng demamd kaya naman seneryso na rin niya ito at ginawa ng negosyo.

Posible bang umutot ng maraming beses sa isang araw? Para kay Stepanka ay oo, kaya niya umanong umutot ng 97 times sa isang araw at iyon ay dahil sa kanyang kinakain o klase ng diet na ginagawa. Nilagang itlog, beans at yogurt ang madalas niyang kainin upang makabuo ng gas sa kanyang tyan na kalaunan ay magiging utot. Dagdag niya pa ay nagbabasa siya ng libro habang hinihintay ang kanyang pag-utot.

Credit: Stephanie Matto / Facebook

Ang kanyang utot ay inilalagay niya sa isang garapon na may kasamang petals ng bulaklak, dahil nakakatulong daw ito sa pagpreserba ng utot, at may kasama pang personalized note. Si Stepanka rin mismo ang nagpo-promote ng kanyang utot sa pamamagitan ng pagpo-post sa kanyang mga social media accounts.

Ngunit makalipas ang ilang linggo ay na-ospital si Stepanka dahil sa labis na pag-utot niya. Hindi umano normal ang pag-utot ng maraming beses sa isang araw at naapektuhan nito ang kanyang kalusugan. Ayon sa doktor ay nagkaroon siya ng intense gas pain dahil sa labis na pag-utot kaya naman pansamantala munang natigil ang kanyang negosyo.

Credit: Stephanie Matto / Facebook

Ngayon ay balik negosyo na ulit si Stepanka at itinuloy nya na ulit ang pagbebenta ng kanyang mga Jarred Farts. Tinawag nya rin ang kanyang sarili bilang ‘Number 1 Fartreprenuer’ na marami raw ang nagtangkang gumaya ngunit siya lamang ang nanatiling matagumpay sa negosyong ito. Masaya si Stepanka sa lahat ng suporta na kanyang natatanggap at mga taong tumangkilik sa kanyang produkto. Nakakatawa man para sa marami, ang importante ay masaya siya at walang tinatapakang tao.