Mariel Padilla, Nag-Trending Muli Dahil sa Obrang Meme Song ni DJ Sean Al, Kinagiliwan ng Netizens

Trending ngayon ang bagong meme song na pinamagatang ‘Nahulog log’ ng showbiz host na si Mariel Padilla. Nagsimula ang meme song mula sa kanyang reaksyon matapos mahulog ang electric fan habang siya ay nagla-live selling.

Bago pa man lumabas ang trending meme song ay nag-trending na ang nakakatuwang reaksyon ni Mariel sa isa sa kanyang mga live selling. Kinaaliwan kasi ng mga netizens ang kanyang pagkagulat at pagsigaw matapos ang pagkahulog ng electric fan. Maski ang kanyang anak na si Isabela ay natawa rin sa kanyang naging reaksyon.

Credit: Instagram / marieltpadilla

“That’s so funny!” anya ni Isabela.

“Is that funny? Nanay almost got a heart attack,” sagot ni Mariel sa anak na mas lalong ikinatuwa ng netizens dahil nakakaaliw daw ang reaksyon nito.

Credit: Facebook / Sean Al

Agad nakarating ang kanyang viral na reaksyon sa singer composer at content creator mula sa Cebu na si Sean Al. Si Sean Al ay nakilala sa paggawa ng mga meme songs mula sa ibat-ibang viral videos katulad ng ‘Lamok’, ‘Sana all’, ‘Study Lang’, ‘Apple Juice’, ‘Bassers’ at marami pang iba.

Ang nag-trending na linya ni Mariel na “Oh My Gosh yung electric fan! Nahulog!” ay ginawan niya ng sound bites at nilapatan niya ng beat. Dinagdagan niya rin ito ng lyrics upang maging isang buong kanta. Ang kanta ay nagtagal ng 2:25 minutes at agad na nag-trending sa social media. Kinaaliwan ito ng mga netizens kaya naman ito ay agad na nag-trending at sa kasalukuyan ay umani na ng 1.4 million views, 9.4k shares at 2.4k comments sa Facebook.

Credit: Facebook / Sean Al

Maski ang aktor at tumatakbo bilang Senador at asawa ni Mariel na si Robin Padilla ay nag-komento rin sa kanyang ginawang meme song. “Hahahahaha napakatalino at napakagaling. Salamat po.”

“Nakita ko lang din yun sa internet, tsaka may nag-tag kasi na follower. Nung pinakinggan ko yung viral na video na-hook agad ako dun sa nahulog na part. While watching the video may kumakanta na sa isipan ko hanggang sa nabuo ko ung kanta, ginawa ko siya na nakakaindak na beat… ginawa ko siya para habang nakikinig ka pwede ka tumawa habang nageenjoy sa beat,” kwento ni Seal Al.

Credit: Facebook / Sean Al

Ang meme song na kanyang ginawa ay agad ring nakarating kay Mariel Padilla na ipinost pa sa kanyang instagram account, at inulan ng maraming komento mula sa mga followers nito at kapwa kasamahan sa showbiz. Maski ang host ay hindi napigilan ang tuwa at pagkaaliw sa kanyang meme song kaya naman ay nagpasalamat si Mariel kay Sean Al.

“Omggggg. Maraming salamat sa gumawa (laughing emojis) ako na ang may kanta (clapping emojis) #Nahulog #Electricfan”

Credit: Instagram / marieltpadilla

“Stream mariel on spotify!” komento ng aktres at vlogger na si Alex Gonzaga.

“Omg ate ma hahaha napasayaw si felize when we watch this” komento ni Elisse Joson.

At puro laughing emojis naman ang komento ng mga aktres na sina Toni Gonzaga, Angel Locsin, Vina Morales, Nadia Montenegro at marami pag iba. Labis rin ang pagkaaliw ng kanyang mga followers at suportado pa si Mariel at binibirong isa na umano siyang recording artist.

Credit: Facebook / Sean Al

Marami ring netizens ang bumilib kay Sean at pinaulanan siya ng papuri dahil napakagaling umano ng kanyang ginawang meme song.

“Grabe tawa ko dito, Happy vibes.”

“You’re a genius, Sean! Napakagaling mo.”

“Another LSS creation!”

“Pure talent talaga. Sobrang galing mo Sir, nakakatuwa mga music mo. Keep it up, God bless you more!”

“I really like this guy. He always amazes me thanks for the good vibes.