Maymay, Binilhan ng Bahay sa Japan ang Kanyang Pinakamamahal na Ina

Si Marydale Entrata o mas nakilala bilang Maymay ay isang sikat na aktres, modelo at mang-aawit. Nagsimula siyang makilala sa publiko noong sumali sya sa reality TV show na Pinoy Big Brother: Teen Edition noong taong 2017. Itinanghal siyang big winner dahil sa kanyang magandang personalidad at pagpapakatotoo na nagustuhan ng maraming netizens.

Credit: Instagram / maymay

Matapos ang kanyang pagkapanalo ay maraming pinto ang nagbukas para kay Maymay. Kabi-kabilang proyekto ang kanyang natanggap: mapa-acting, modeling, endorsement, tv guestings at pag-awit. Hindi nga maipagkakaila na bukod sa kanyang magandang personalidad at nakakatawang ugali ay napaka-talentado nga ni Maymay.

Credit: Instagram / maymay

Sa ilang taon niya sa showbiz ay paunti-unti na ngang natutupad ni Maymay ang kanyang mga pangarap. Nabigyan niya na ng magandang buhay ang kanyang pamilya at kumportable na rin siya sa buhay. Nito nga lang ay isa na namang pangarap ang kanyang natupad matapos niyang mabilhan ng bahay sa Japan ang kanyang ina na nagtatrabaho doon.

Credit: Instagram / maymay

“Gusto kong magpasalamat ng sobra-sobra dahil sa pagmamahal at genuine support n’yo sa akin since Day 1 po. Maraming salamat dahil kahit anong nangyari ay nararamdaman ko na karamay ko kayo dahil tayo nga po ay Kapamilya”, saad ni Maymay sa kanyang post.

Kahit nasa kumportableng estado na ng buhay si Maymay at kaya niya na ring tugunan ang pangangailangan ng kanyang pamilya ay pinili pa rin ng kanyang ina na magtrabaho sa Japan. Isang magandang halimbawa ang ina nya na hindi lang iasa sa anak ang lahat dahil ina pa rin siya at responsibilidad nito ang pamilya.

Credit: Instagram / maymay

Ayon kay Maymay, ang ibinigay niyang sariling bahay sa kanyang ina sa Japan kung saan ito nagtatrabaho ay ang pagbabalik rin niya ng lahat ng naging sakripisyo nito at bilang pasasalamat at pagmamahal niya rin dito.

“Masayang masaya ako na parang ito ang oras ko para maibalik ko ang sakripisyo na ibinigay niya para sa akin.”

Credit: Instagram / maymay

Marami namang pumuri kay Maymay dahil sa ginawa niyang ito sa kanyang ina. Ayon sa mga netizens ay napakabuti talagang tao ni Maymay at nanatili itong mabuti at mapagkumbaba kahit sikat na.

“God bless Maymay. You’re an inspiration to all children out there, kahit sikat na hindi pa rin nakakalimot sa pamilya.”

“Congrats, Maymay! You deserve it! Pinaghirapan mo kung ano ang natatamasa mo ngayon.”

Credit: Instagram / maymay

“Ang bait bait talaga ni Maymay, simula PBB days ganun pa rin ugali niya, di nagbabago.”

“Tama yan, kahit maayos na buhay mo at sikat ka na, wag pa rin kakalimutan ang pamilya dahil isa sila sa dahilan kung nasaan ka ngayon.”

“Yes queen! Ganda mo Maymay mana ka sa mommy mo.”

Credit: Instagram / maymay

Sa kasalukuyan ay nasa Canada si Maymay at ipinagpapatuloy ang kanyang pag-aaral doon. Isa syang magandang halimbawa na kahit sikat na ay importante pa rin ang edukasyon dahil wala itong katumabas at hindi kukupas.