Koa, Ipinamalas ang Galing sa Surfing Kahit Isang Taong Gulang Pa Lamang

Karaniwan sa mga batang isang taong gulang ay natututo pa lamang maglakad ngunit ibahin nyo si Koa na anak ng aktres na si Andi Eigenman at partner in life na si Philmar Alipayo. Kinamangha ng maraming netizens ang talentong taglay ni Koa sa surfing dahil sa murang edad ay nagawa na nitong magbalanse sa surf board.

Credit: Instagram / andieigengirl

Kamakailan lang ay ibinahagi ni Andi sa kanyang Instagram account ang mga larawan ng anak na si Koa, habang ito ay nakatayo sa surf board sa ibabaw ng tubig habang bumabalanse. Tila nga ipinakita ni Koa na nasa dugo niya at namana niya ang talento ng kanyang ama na si Philmar.

Credit: Instagram / andieigengirl

Kilala si Philmar bilang isang professional surfer at surfing champion kaya naman hindi na kataka-taka na nakuha ng kanyang mga anak ang kanyang talento. Matatandaan na ang panganay nilang si Lilo ay may kaalaman na rin sa surfing kahit dalawang taong gulang pa lang ito, dahil bata pa lang ay ipinakilala na nila sa anak ang surfing.

Credit: Instagram / chepoxz

Ngayon nga ay ang bunsong si Koa naman ang kanilang tinuturuan mag-surf at hindi naman sila nito binigo dahil mabilis itong natuto. Masayang-masaya na ibinahagi ni Andi ang bagong skill ng kanyang anak, at makikita naman na sa murang edad ay may angking tapang na ito na harapin ang dagat at mga alon.

Credit: Instagram / andieigengirl

“If skating was what motivated him to start walking, I guess it’s surfing that’s for sure has been motivating him to swim so bravely and well,” buong pagmamalaki ni Andi.

Credit: Instagram / andieigengirl

Bukod sa namanang talento ay isa rin sa mga dahilan kung bakit marunong at magaling ang mga anak nila sa surfing ay dahil maswerte silang nakatira sa Siargao. Kilala ang Siargao bilang Surfing Capital of the Philippines kung saan ipinagmamalaki ang ganda ng dagat at taas ng mga alon na swak sa mga surfer.

“For sure magiging champion ng surfing yan in the future!”

“Ang galing mo baby Koa! Good job!”

Credit: Instagram / andieigengirl

“Wow! Ako nga na matanda na hindi marunong lumangoy, natalo pa ko ng 1 year old nagsusurf na agad!”

“Ang galing! Ganyan talaga pag supportive ang parents, lahat kayang magawa ng anak.”

“Manang-mana sa Papa niya! Magiging great surfer yan katulad ni Philmar.”

Credit: Instagram / andieigengirl

Para naman sa mga nag-aalala sa kaligtasan ni Koa ay huwag umanong mabahala dahil binabantayan at ginagabayan nila ito ng mabuti sa dagat. Ayaw nilang maghigpit sa mga anak kaya hinahayaan at sinusuportahan nila ang mga ito sa gustong gawin upang maging masaya at matuto. Ang suportang ibinibigay nila ay may kaakibat namang mabuting pagbabantay.

Dagdag pa ni Andi, “I find that a great way for little ones to learn a new skill, is simple by letting them have a go at it! Trust them as they explore their capabilities and support them as they push themselves to try.”

Credit: Instagram / andieigengirl

Habang ang panganay naman nilang si Lilo ay gumagaling na umano sa paglangoy. Masaya umanong lumalangoy at nakikipaglaro si Lilo kasama ang kanyang kapatid at mga kalaro dahilan kung bakit mas gumagaling ito. Hindi umano importante kung magbago man ang hilig ng mga anak sa paglaki ng mga ito, ang mahalaga ay nasubukan nila ang isang bagay at naging masaya sila.

“Lilo has been leveling up on her swimming skills by the day, and I see that it’s having playmates around and being able to do fun activities in the water that motivate her to do so. Like surfing! It doesn’t matter if they eventually opt to explore different things as they get older. that’s what makes life more enjoyable after all.”

Credit: Instagram / andieigengirl

Masaya umano si Andi at Philmar dahil masaya ang kanilang mga anak sa klase ng buhay na mayroon sila. Masaya si Andi na kuntento ang mga ito sa buhay na kanilang ibinigay kahit simple lamang ito at malayo sa karangyaan na kanyang nakalakihan.

“But what a simple joy it is to see them love the life we are able to offer them. Not by force, but by nature.”