‘May Pinagmanahan’, Beauty Queen Pala ang Ina ng Magkapatid na Cristine Reyes at Ara Mina

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na ang ating itsura ay namamana sa ating mga magulang. Marami ang nagsasabi na kapag maganda o gwapo ang iyong magulang ay siguradong maganda rin ang mga anak. Ang magkapatid na Ara Mina at Cristine Reyes ang isa sa mga patunay nito.

Credit: Instagram / therealaramina

Ang magkapatid na Ara Mina at Cristine Reyes ay isa sa pinakakilalang artista sa industriya ng showbiz. Bukod sa kanilang galing sa pag-arte, hindi maipagkakaila ang kanilang taglay na kagandahan—na nagustuhan ng mga manunood. Ang kagandahang ito ay namana lang naman nila sa kanilang napakagandang ina na dati palang beauty queen.

Credit: Instagram / cristinereyes

Si Francis Marie Klenk o mas kilala sa screen name na Venus Imperial ay dating “Mutya ng Pasig 1967”. Isa itong half-German na mas lalong nagpaganda sa kanyang itsura. Ang kagandahang ito ang hinaharap niya sa maraming tao sa tuwing sumasali sa mga beauty pageants.

Credit: Instagram / therealaramina

Nito lang ay ibinahagi ni Ara Mina sa Instagram account nito ang lumang larawan ng kanyang ina kung saan kinoronahan ito bilang Mutya ng Pasig. Sabik na sumali si Ara Mina sa nauusong ‘Throwback Thursday’ sa social media kung saan nagbabahagi ng mga lumang larawan, at hindi nga nito pinalagpas na ipakita ang kagandahan ng kanyang ina noong kabataan nito.

Credit: Instagram / therealaramina

“Look what I found, a picture of my mom (she’s half-German). Na-restore ‘tong picture and ito na lang ata ang pictures niya noong nanalo siya ng ‘Mutya ng Pasig 1967”, saad ng aktres.

Credit: Instagram / therealaramina

Kayamanan ngang maituturing ang lumang larawan na ito ng kanyang ina dahil nag-iisa na lang ito. Matatandaan na noong taong 2009 nang tumama ang Bagyong Ondoy, isa ang tahanan ng pamilya ng magkapatid ang lumubog sa baha. Wala silang naisalba kundi ang kanilang sarili lamang, at ang mga importanteng gamit at mga larawan nila ay kasama sa binaha.

Credit: Instagram / therealaramina

“Kasi mga pictures namin especially mga baby pictures ko wala na dahil sa Typhoon Ondoy noon, even my diplomas, honorable mention and awards sa school like “Most Cooperative” at iba pa nabaha (diba may special awards din ako di lang sa pag-aartista). Wala lang just sharing lang. Chatting with my mom now after her check-up today,” dagdag na saan ni Ara Mina.

Credit: Instagram / cristinereyes

Sumang-ayon naman ang maraming netizens na nakuha nila ang kanilang kagandahan sa kanilang ina. Kahit luma na umano ang larawan ay makikitang napakaganda talaga ng kanyang ina kaya hindi kataka-taka na mamana nila ito.

“Like mother, like daughters.”

Credit: Instagram / therealaramina

“Kaya pala ang ganda ninyo magkapatid kasi beauty queen ang mommy nyo.”

“Sana all maganda.”

Credit: Instagram / cristinereyes

“Kamukha nyo siya nung kabataan nya, gandang pang-beauty queen talaga.”

“Kaya pala ang ganda ganda nyong magkapatid, may lahi pala kayong German.”