Andi Eigenmann, Nais na Mamulat at Palakihin ang mga Anak sa Simpleng Pamumuhay

Si Andi Eigenmann ay isang sikat na aktres at nagmula sa angkan ng mga artista. Hinangaan ng netizens ang kanyang galing sa pag-arte at ang kanyang angking kagandahan na namana niya sa kanyang mga magulang. Ngunit sa kasagsagan ng kanyang kasikatan ay ikinagulat ng publiko ang paglisan niya sa mundo ng showbiz.

Ang dating aktres na lumaki sa karangyaan ay naninirahan na sa isla ng Siargao at iniwan ang kanyang glamorosang buhay sa syudad. Matatandaan na noong 2018 ay ibinenta niya ang kanyang mga mamahaling gamit at ang kanyang sasakyan. Noong mga panahon na iyon ay naninirahan pa siya sa Baler, Quezon at sa tuwing may proyekto sa showbiz ay nagko-commute na lamang siya pabalik ng Manila.

Credit: Instagram / andieigengirl

Sa kaparehong taon din ay nakilala niya ang kanyang partner ngayon na si Philmar Alipayo, isang lokal sa isla ng Siargao at kilala ring surfer champion. Naging malaking bahagi si Philmar sa pagdedesisyon ni Andi na magkaroon ng simpleng pamumuhay. Ngayon nga ay masaya na silang namumuhay ng simple sa Siargao kasama ang kanilang mga anak at kabubukas pa lang nilang negosyo.

“Philmar was also a big aspect of this. He was the person that made me realize how much more important it was to live in the moment.”

Credit: Instagram / andieigengirl

“And build more meaningful relationships, and spend your money creating all of these memories rather than things you’ll probably won’t remember.”

Ayon kay Andi nais niya umanong lumaki sa simpleng buhay ang kanyang mga anak na sina Ellie, Lilo at Koa. At kahit simpleng buhay lamang ang kanyang maibibigay sa mga ito ay gagawin niya ang kanyang makakaya upang mapalaki ang kanyang mga anak ng maayos.

Credit: Instagram / andieigengirl

Paglalahad pa ni Andi, isa sa dahilan kung bakit nagbabahagi siya ng larawan sa Instagram ay upang maging magandang ehemplo sa kanyang mga anak at sa mga tao ng pagiging masaya kahit simpleng buhay lang. Hindi naman itinanggi ni Andi na nahumaling siya sa mga materyal na bagay lalo na at lumaki siyang marangya ang buhay, at sa tuwing pagod siya sa trabaho ay ginagamit nyang paraan ang shopping upang mawala ang kanyang pagod o tinatawag na ‘retail therapy’.

Ngunit napag-isip-isip ni Andi na hindi naman pala importante ang mga materyal na bagay upang maging masaya. Makikita rin ang kaligayahan sa simpleng bagay at simpleng pamumuhay.

Credit: Instagram / andieigengirl

“In my opinion, money does not buy happiness.”

Samantala, habang maliliit pa ang kanyang mga anak ay tinuturuan niya na ang mga ito na huwag maging maluho at makontento lamang sa bagay na meron sila. Nais ni Andi na huwag lumaki sa luho ang kanyang mga ank at makita ang kahalagahan ng mga bagay kahit maliit at simple. Mas gusto niyang pahalaghan ng mga anak ang mga karanasan at memorya na babalikan ng mga ito pagdating ng panahon.

Credit: Instagram / andieigengirl

“”It just means raising them to learn how to be grateful and appreciative and find happiness in experiences, in other people, and in themselves. And not have to rely on material things to get motivation or to be happy.”