Magkakapatid na Iniwan ng Ina Para sa Kalaguyo, Namataang Niyog at Toyo ang Kinakain Para Mabuhay

Karapatan ng mga bata na magkaroon ng magulang na mag-aalaga at magpapalaki sa kanila. Importanteng magkaroon ng magulang upang magabayan at lumaki ng maayos ang mga bata. Ngunit paano kung walang magulang? Paano na kaya ang mga bata?

Tatlong magkakapatid mula sa Barangay San Roque, Mercedes sa Camarines Norte ang napag-alamang walang nanay at tatay. Ang magkakapatid ay naiwang walang gabay at walang nag-aalaga kaya naman napilitan ang mga ito na kumain na lang ng niyog at toyo upang mapunan ang kumakalam na mga tiyan.

Credit: Facebook / Jopay De Guia

Dahil sa hirap ng buhay at kawalan ng magulang na magpapakain sa kanila, sila na mismo ang gumawa ng paraan para hindi magutom. Ang niyog ang nagsisilbi nilang kanin habang ang toyo naman ang kanilang ulam. Wala silang pera na pambili ng maayos na pagkain tulad ng bigas at ulam kaya naman pinagtyatyagaan ng magkakapatid ang simpleng niyog at toyo.

Napag-alaman na iniwan umano sila ng kanilang ina para sa ibang lalaki, habang ang ama naman nila ay namatay nito lang nakaraang August 17. Walang kamag-anak na kumuha at kumupkop sa mga bata kaya naman sila na mismo ang gumagawa ng paraan upang buhayin ang kanilang mga sarili.

Credit: Facebook / Jopay De Guia

Ang panganay sa magkakapatid ay nagkaroon ng trabaho ngunit dahil bata pa siya, hindi ito permanente at kumikita lamang ng kaunti. Ang kanyang kita ay hindi sapat sa kanilang tatlo kaya kahit simpleng bigas at de-lata ay hindi rin nila kayang bilhin. Mayroon naman silang mabubuting kapitbahay na nag-aabot ng pagkain, ngunit hindi sa araw-araw. Mahirap lang din ang mga kapitbahay nila kaya wala ring kakayanan na tulungan sila palagi.

Credit: Facebook / Jopay De Guia

Isang concerned citizen at kapitbahay na si Jopay De Guia ang humingi ng tulong para sa magkakapatid. Ibinahagi niya sa social media ang sitwasyon ng mga bata at humihingi ng tulong upang magkaroon sila ng pagkain. Ngunit hindi daw magiging sapat ang donasyon dahil sa oras na wala ng magbibigay ay balik niyog at toyo ulit ang mga bata. Kaya naman nanawagan rin si Jopay sa ina ng mga ito na sana ay maawa at balikan sila o kunin para alagaan.

“Naiiyak talaga ako pag nakakakita ako ng ganito. Lord please tulungan nyo po ang mga batang ito.”

“Nakakaawa naman sana makonsensya ang nanay at balikan tong mga anak niya.”

Credit: Pinterest

“Sana po may tumulong sa mga bata. Kahit DSWD na lang ang mag-alaga sa kanila kung hindi talaga babalik yung nanay.”

“Mahirap talaga pag walang parents, pasan mo ang buong mundo. Kudos sa panganay na nag-effort magtrabaho para sa mga kapatid nya. God blees sa inyo.”

“Jusko po hindi naman nakakabusog yang niyog at toyo, baka magkasakit pa ang mga bata.”

Credit: Theravive

Dito sa ating bansa, dumadami ang kaso ng pag-abandona sa mga bata at ito ay nakaka-alarma. Isa ito sa isyu na dapat bigyang pansin ng gobyerno at bigyang solusyon. Nakakalungkot na maraming bata ang nagugutom at tinitiis ang kumakalam na sikmura at napipilitang magtrabaho upang may pangtustos sa araw-araw.

Talaga namang nakakaawa at nakakaiyak ang sitwasyon ng magkakapatid na ito. Umaasa ang marami na sana ay matulungan sila upang hindi na kailan man magtiis sa pagkain ng niyog at toyo. Nakakahanga rin na sa kabila ng kahirapan at kawalan ng magulang ay nananatili silang matatag at sama-sama.