Iskolar, Nakapagtapos at Ganap nang Engineer Ngayon sa Tulong ng 4P’s

Ang 4P’s o Pantawid Pamilyang Pilipino Program ay programa ng pamahalaan upang matulungan ang mga pamilyang kapos sa buhay. Sa tulong ng programang ito, maraming pamilya ang nakaraos sa araw-araw at naging dahilan rin upang makapagtapos ang isang estudyante at ngayon nga ay isa nang ganap ng Engineer.

Si Engineer Marvin Arnoza, 23-taong gulang ay iskolar ng 4P’s. Nakapagtapos siya ng kursong Civil Engineering sa Bicol University. Malaki ang pasasalamat niya sa programa dahil malaki ang naging ambag nito upang mairaos ang kanyang pag-aaral at ngayon ay matagumpay siyang nakapagtapos bilang engineer.

Credit: Facebook / Marvin Arnoza

“Kabilang po ang aming pamilya sa beneficiary ng 4P’s na programa ng gobyerno,” saad niya.

Mahirap lamang ang buhay ng pamilya ni Marvin. Ayon sa kanya, sila ang pamilyang ‘isang kahig, isang tuka’. Maswerte na kung makakain sila ng tatlong beses sa isang araw kaya naman ginawa niya itong motibasyon upang mag-aral ng mabuti at makapagtapos.

“Pagsasaka at pagkokopra po ang ikinabubuhay ng aming pamilya—isang kahig, isang tuka.”

Credit: Facebook / Marvin Arnoza

“Madalas, hirap kami makakain nang tatlong beses sa maghapon, lalo na kapag may kalamidad o kaya naman ay matumal ang ani.”

Hindi sapat ang kinikita ng kanyang magulang sa pagsasaka at pagkokopra dahil hindi naman palaging tag-ani kaya malaking tulong umano ang naibibigay sa kanila ng programang 4P’s. Bukod sa nakakatulong ito sa kanilang pangkain ay nakakatulong din ito sa mga gastusin niya sa paaralan.

Credit: Facebook / Marvin Arnoza

Malaki rin ang pasasalamat ni Marvin sa lahat ng taxpayers o nagbabayad ng mga buwis. Sila ang dahilan kung bakit nakakatulong ang 4P’s sa mga pamilyang katulad niya na mahirap ang buhay. Malaki umano ang utang na loob niya sa taong bayan dahil naging parte sila kung bakit isa na siyang engineer ngayon.

Congrats! Sana lahat ng scholar ng 4P’s ay katulad mo na nakapagtapos at nagkaroon ng magandang buhay.”

“Maging inspirasyon ka sana sa lahat ng scholar ng 4P’s na gamitin sa tama ang tulong na bigay ng gobyerno, hindi ung pinambabayad lang sa utang.”

Credit: Facebook / Marvin Arnoza

“Bilang isang staff ng 4P’s, masaya po akong makabasa ng gaitong success story. Salamat po sa inyo at congratulations!”

“Saludo ako sa laht ng 4P’s scholar na nag-aral ng mabuti at ginamit sa tama ang bigay ng gobyerno.”

“Good job sir! Mabuti ang iyong magulang dahil ginamit talaga nila sa pag-aaral mo ang 4P’s, maging halimbawa sana to sa lahat.”

Credit: Facebook / Marvin Arnoza

Dagdag naman ni Marvin, kahit may 4P’s ay nagsusumikap pa rin siyang mag part-time job tuwing semestral break o bakasyon upang makapag-ipon at may pandagdag gastos sa paaralan. Hindi lang daw siya basta umasa sa ibinibigay ng programa kundi nagsumikap rin syang pagsabayin ang pag-aaral at trabaho para sa pamilya at sa sarili.

Aminado naman si Marvin na dumating sa punto na pinanghinaan siya ng loob at gusto niay ng sumuko dahil sa hirap ng buhay. Ngunit dahil sa suporta ng kanyang pamilya at mga kaibigan ay nagpatuloy siya at nagpakatatag.

Credit: Facebook / Marvin Arnoza

“Tumatak yun sa akin. Sabi niya, ‘We’re living in the same generation, but not with the same experience,” saad ni Marvin.

Hindi habang buhay ay nasa ilalim ka basta’t magsumikap ay darating ang panahon na magiging nasa ibabaw rin ang kalagayan ng buhay mo. Gawing inspirasyon at motibasyon ang kahirapan upang magtagumpay sa buhay, huwag itong gawing dahilan upang sumuko.

“Ngayon isa na po akong inhinyero at ito po ang gusto kong ipagpasalamat sa inyo. Gusto kong iparating na may magandang naidudulot po ang buwis ninyo. Salamat po.”