15-Anyos, Sumailalim sa Isandaang Pagpaparetoke Para Magmukhang Barbie

Sa panahon ngayon, nagiging bukas na ang isipan ng mga tao sa plastic surgery o pagpaparetoke kaya naman marami na rin ang lakas-loob na ginagawa ito. Marami ang nagpaparetoke dahil sa kagustuhan na mas gumanda at magkaroon ng confidence na humarap sa mga tao. Ngunit hanggang saan nga ba dadalhin ng retoke ang buhay ng isang tao?

Madalas sa mga taong nagpaparetoke ay mga taong nasa wastong gulang na edad 20 pataas, ngunit isang babae sa China na bata pa lang ay sumailalim na sa maraming operasyon. Maraming netizens ang nagulat sa dalagang ito dahil sa batang edad ay nakaranas na siya ng isang daang operasyon sa kanyang mukha.

Credit: Daily Day News

Nakilala ang dalagita na si Xiao Z NaNa o mas kilala bilang Little Z. Siya ay isang social media influencer mula sa China kung saan ay ibinabahagi niya online ang kanyang mga pagpaparetoke. Sa edad na 13-anyos noong nagsimula umano siyang magpa-opera at ngayong 15-anyos na siya ay mabibilang na nasa 100 na operasyon na ang kanyang pinagdaanan.

Mayroon siyang milyon-milyong followers at talaga namang sinusubaybayan ng mga netizens ang kanyang buhay. Marami ang nagka-interes sa kanya simula noong ibinahagi niya ang kanyang pagpapa-retoke. Marami ang humanga dahil sa lakas ng loob na mayroon siya sa batang edad, ngunit marami rin ang hindi natutuwa dahil para sa kanila ay nakakapanghinayang na pinabago niya pa ang maayos niya namang itsura.

Credit: Daily Day News

Lumaki si Little Z na may mababang kumpiyansa sa sarili at para sa kanya ay hindi siya maganda kaya nais niyang ipabago ang kanyang itsura. Nais niyang maging kamukha ng isang manika tulad ni Barbie na may magandang mukha, kaya naman napag-desisyunan niyang magpa-retoke ng maraming beses.

Ayon kay Little Z ay sumailalaim na siya sa anim na double eyelid surgeries, limang lateral canthoplasties (outer eye corner) procedures,  tatlong body liposuctions, isang “full-face bone reduction” surgery, dalawang facial liposuctions, dalawang thigh liposuctions and tatlong surgeries sa labi. Ang lahat ng ito ay nangyari lamang sa pagitan ng edad na 13-anyos hanggang 15-anyos.

Credit: Okay

Hindi lang pala mukha ang kanyang pinaretoke kundi ang buo niyang katawan. Wala ring katiyakan kung hihinto na ba siya sa pagpaparetoke o ipagpapatuloy niya pa ito. Marami ang nagsasabi na bata pa siya kaya maaring gagawin niya pa ito ng ilang beses, ang ilan naman ay umaasang huminto na sana siya dahil hindi umano maganda ang resulta ng maraming beses niyang pagpaparetoke at baka mapahamak pa siya lalo na at bata pa siya.

Ang bata niya pa masyado para magparetoke ng ganyan kadami, baka magkaroon yan ng side effects in the future.

“Bakit kaya siya pinayagan ng magulang niya magparetoke eh ang bata niya pa, tapos sobrang dami naman.”

Hindi naman siya mukhang barbie, nagmukha siyang chaka doll.”

Credit: Kompas

“Nakakatakot yung mukha niya, di naman maganda kinalabasan ng retoke niya.”

“Sayang naman yung mukha niya, maganda naman siya e, di niya lang na-appreciate.”

Para naman kay Little Z ginawa niya ang pagpaparetoke para sa kanyang sarili at hindi para sa ibang tao. Gusto niyang magkaroon ng confidence at ang pagpaparetoke ang naging paraan niya. Nagpapasalamat naman siya sa mga taong sumuporta sa kanya at hindi siya hinuhusgahan.

Credit: Socmed Today

 “Don’t say I’m doing these procedures to meet other’s beauty standards. I’m willing to spend the money to do this, and it brings me confidence and joy,” saad niya.

Wala naman talagang masama sa pagpaparetoke lalo na kung sariling pera ang ginamit at wala namang tinatapakang tao. Mahirap rin ang manghusa ng kapwa na nagparetoke dahil hindi naman natin alam ang kanilang pinagdadaanan kaya ang mas mabuting gawin ay sumuporta o manahimik na lamang.

Leave a Reply