Naranasan mo na bang makatanggap ng diskriminasyon? Ang maramdaman na maliit ang tingin sa iyo ng ibang tao at itinuturing kang iba ay isang klase ng diskrimainasyon. Ngunit alam mo ba na kahit pala ang isang sikat na artista ay nakaranas rin nito?
Ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez ay isang napakahusay na mang-aawit at sikat na artista. Dahil sa kanyang galing ay mataas ang tingin sa kanya ng mga tao at iniidolo siya ng marami, subalit ikinagulat ng lahat ng kanyang ibinahagi sa isa sa kanyang mga vlog na sa kabila ng kasikatan ay nakaranas pala siya ng diskriminasyon.

Sa kanyang ‘vlang’ (video lang) kung tawagin, nagkaroon siya ng closet tour kung saan ay ipinakita niya ang kanyang mga shoe collection. Isa sa kanyang ipinakita ay ang paborito niyang pares ng sapatos na nagmula pa sa isang sikat na brand, ngunit mayroon palang kwento sa likod ng sapatos na ito.
“I went to New York, kasi nandun yung pinakamalaking Louis Vuitton, hindi pa kami nung asawa ko, so mga 2001 or 2002 siguro. Anyway, I went to New York to find this particular (pair) of shoes. I was so excited to get to New York to get these freaking shoes!” panimulang kwento ni Regine habang hawak ang paboritong sapatos.

Ayon sa kanya, naranasan niya ang diskriminasyon noong pumunta siya sa isang sikat na store ng isang luxury brand sa ibang bansa na walang iba kundi ang brand na Louis Vuitton. Nagpunta siya dito para bumili ng sapatos na matagal niya nang gustong bilhin at tanging doon niya lamang mabibili. Ngunit hindi ikinatuwa ni Regine ang naging trato sa kanyan ng sales personnel ng nasabing brand.
“Sa umpisa pa lang sinabi kaagad sa akin na wala akong size. Hindi ako binilhan (binentahan),” saad ni Regine.
“Sabi ko, ‘Can I at least try them on?’ Sabi nung guy, ‘Uh, no.’ Na-discriminate agad ang lola nyo, so na-depress ako ng very, very light.“

Nadismaya si Regine sa inasta ng sales personnel sa kanya kaya naman ay agad siyang umalis palabas ng Louis Vuitton store. Ngunit imbes na tuluyang umalis ay nagpunta siya sa katapat nitong store na Neiman Marcus na kilala ring isang luxury department store. Pumunta siya kung nasaan ang mga sapatos at bumili lang naman ng 20 pirasong pares.
“Nagwala ako dun. Ang ending ko, ang inuwi ko ay 20 pairs of shoes, kasi na-depress ako. Again, I was being discriminated,” kwento ni Regine.

Pagpasok niya umano ng Neiman Marcus ay hindi rin siya agad inassist ng mga sales personnel, buti na lamang ay may isang lumapit sa kanya at tinanong siya kung anong maitutulong nito. “Parang naiiyak na ako, ‘Yes, I need help! So lahat tinuro ko, binili ko talaga,” ani ni Regine.
Dagdag pa niya, naging sobrang saya ng sales personnel na nag-assist sa kanya dahil sa dami ng kanyang binili. “So ang happy niya, super happy siya. Samantalang yung mga bwiset na ibang nandon (the other sales personnel who ignored her), nagtitinginan sila kasi yung ibang nagsusukat dun, wala namang binili, Te!”

Ngunit hindi natapos doon ang istorya dahil matapos niyang bumili ng 20 pares ng sapatos sa Neiman Marcus ay bumalik siya ng Louis Vuitton dala ang maraming paper bag ng sapatos na kanyang binili. Ipinakita niya na may kakayahan siyang bumili at hindi siya dapat maliitin ng mga ito.
“Nung marami na akong bitbit, pinapasok ako sa Louis Vuitton at nabili ko siya. Yan ang story ng Louis Vuitton shoes na ito.”

Hindi biro ang makaranas ng diskriminasyon mula sa ibang tao dahil masakit ito sa damdamin. Hindi dapat ito balewalain dahil para mo na silang hinihikayat na palagi itong gawin sa ibang tao.
Payo ng Asia’s Songbird, “I don’t think you should feel bad kapag nadi-discriminate ka. You go back and kick some ass!”