Igorota Mula sa Tribung Alpai ng Sagada, Piloto sa Elite Branch ng Philippine Army at Registered Nurse ng Philippine Airforce

Kapag narinig ang salitang ‘Igorot’, ang madalas na pumapasok sa isip ng marami ay mga taong taga-bundok at walang alam. Mababa ang tingin sa tribu ng mga Igorot kaya madalas silang husgahan at maliitin ng mga tao. Ngunit pinatunayan ng babaeng ito na ang mga Igorot ay dapat ipagmalaki at hindi ikahiya.

Si P2Lt. Lei Vanette Alungui ay isang registered nurse na pumasok sa military training ng Philippine Airforce. Sumabak siya sa 15 buwang training at matagumpay na nakapagtapos at ngayon ay isa ng ganap na sertipikadong piloto sa elite branch ng Philippine Army.

Credit: Facebook / Punto Mindoro

Kahit isa na siyang rehistradong nurse ay hindi tumigil sa pangangarap si Lei at doon niya nga napagdesisyunang pumasok sa Philippine Army para mag-training. Pangarap niyang makatulong sa mga tao at sa bansa sa tulong ng kanyang kaalaman sa medisina at military. Kahit na isa siyang babae ay hindi siya nagpatinag sa mga kalalakihan at ipinakitang kaya niya.

Hindi rin nag-alinlangan si Lei na ipakilala ang kanyang sarili bilang Igorota na kasapi ng tribung Alpai sa Sagada na siyang ipinagmamalaki niya. Ipinakita niya sa lahat na ang mga Igorot ay hindi dapat maliitin at husgahan dahil kagaya ng marami kaya rin niyang mangarap at magtagumpay.

Credit: Facebook / Punto Mindoro

Ang kanyang pagiging Igorota ay hindi hadlang upang makamit niya ang kanyang mga pangarap. Siya ay nakapagtapos sa Air Force Academy of the Philippines sa Fernando Air Base sa Lipa City, Batangas at ipinagmalaki sa lahat ang tribung pinagmulan.

Masaya si Lei sa kanyang naabot at patuloy umano niyang ipagmamali ang pagiging isang Igorota saan man siya magpunta. Isa ito sa kanyang naging motibasyon para magtagumpay dahil gusto niyang ipakita sa lahat na tribung Igorot at hindi dapat maliitin lang.

Hinangaan naman ng maraming netizens ang pagiging proud ni Lei sa pinagmulang tribu. Nakakamangha umano ang mga naabot nito sa buhay at hindi nahihiyang tumingin sa kanyang pinanggalingan.

Credit: Facebook / Punto Mindoro

“Wonderful! Hindi lang maganda, matalino at matapang pa.”

“Wow ang galing naman, tama yan iwagayway mo ang lahing Igorot!”

“Nakaka-proud naman kudos sa’yo, Ma’am!”

“Congratulations, kung gaano ka ka-proud sa tribe mo, ganun din sila ka-proud sa’yo.”

“Keep inspiring many people, especially your tribe to be like you. There’s no impossible if you keep on dreaming.”

Credit: Facebook / Punto Mindoro

Isang magandang patunay si Lei na wala sa lahing pinanggalingan ang makakapagsabi ng kaya mong abutin sa buhay. Ang lahing Igorot ay katulad din ng marami, pwede rin silang mangarap at magtagumpay sa buhay. Walang nakakahiya sa kanilang tribu at dapat lang silag ipagmalaki.

Nakakatuwa na ang isang katulad ni Lei na maganda na ang narating sa buhay ay hindi nakalimutan ang tribung pinanggalingan. Para sa kanya ang pagiging igorota ay hindi isang nakakahiyang bagay kundi maganda at dapat lang ipagmalaki.