Babaeng Nang-Insulto at Tinawag na ‘Cheap’ ang Kaibigang Online Seller, Nasupalpal

Maraming online seller ang nagsusumikap sa buhay at matiyagang nagtitinda ng kanilang products online. Kaya naman masakit para sa kanila na insultuhin ng iba lalo na kung sarili mo itong kaibigan.

Ibinahagi ng netizens na si Joy Anne Perez sa kanyang Facebook account ang pagkadismaya sa isang kaibigan na ininsulto siya at tinawag pang cheap dahil sa kanyang pagpo-post online ng kanyang mga produkto. Ikinagulat niya ang pag-reply nito sa kanyang ‘My Day’ na products na hindi niya nagustuhan.

Credit: Facebook / Joy Anne Perez

“Tinda pa rin Joy Ann? Nakakasawa mga posts mo girl sa totoo lang,” sabi nito sa kanyang ‘My Day’ sa Facebook.

Hindi nagustuhan ni Joy ang bungad nitong reply sa kanyang ‘My Day’ kaya naman kanya itong nireplyan para tanungin kung anong problema kung bakit ganun ang ugali niya.

“Luh siya, May problema ka ba? Sorry pero medyo offensive lang ang message mo,” sabi ni Joy.

Credit: Facebook / Joy Anne Perez

Nakakatawa ka girl, ano tinda tinda ka nalang? Sana kasi nagwork ka. Na-offend ka? Haha totoo.”

“Magwork ka nalang Joy Ann sure ka pa sa income mo monthly. Nang hindi ka magmukhang cheap kaka-post mo ng paninda online,” dagdag nito.

“Ilang years nga natapos mo gurl? Musta naman diploma mo? Inaanay na ba?”

Credit: Facebook / Joy Anne Perez

Ito ang sunod-sunod na pang-iinsulto sa kanya ng kaibigan na wala sa lugar at talaga namang nakakagalit. Kahit sino sigurong makatanggap ng ganitong mensahe sa taong itinuring mong kaibigan ay inis o galit ang mararamdaman.

“Una sa lahat, kung nagsasawa ka sa pagmamarket ko online, you can unfollow/unfriend me naman o kahit iblock mo pa nga ako. Wala naman akong pake. Pangalawa, hindi ko hinihingi opinion mo, anyways salamat parin. At pangatlo, wag mo akong pangungunahan, ano ka desisyon?” sagot ni Joy.

Credit: Facebook / Joy Anne Perez

Pagdedepensa ni Joy sa kanyang sarili mula sa mga insulto nito sa kanya. Hindi kaya ni Joy na balewalain lang ang pang-iinsulto nitong ginagawa kaya buong tapang niya itong nirereplyan.

“Wala naman ako pake kung sa paningin mo kacheapan yung ginagawa ko,” dagdag niya.

Walang ginawang masama si Joy at naghahanapbuhay siya ng marangal kaya naman nakakadismaya ang pang-iinsultong binibigay sa kanya ng hindi lang kaibigan kundi pinagkakautangan pa pala siya. Ang lakas umano ng loob nitong mang-insulto, pagkatapos nitong mangutang taong 2018 pa at hanggang ngayon ay hindi pa binabayaran.

Credit: Facebook / Joy Anne Perez

“Kelan mo kaya maaalala yung utang mo FRIEND? Ilang months na lockdown, hindi mo nagawang mangamusta ah?” tanong ni Joy Anne.

“Remind ko lang, 2018 pa yung nahiram mo ha. Wag kang mag alala. Hindi naman kita sinisingil. Kinalimutan ko na nga yon eh. Kaso gumawa ka ng dahilan para maalala ko,” dagdag ni Joy Anne.

Pagkatapos ngang ipaalala ni Joy ang utang nito sa kanya ay imbes na humingi ng pasensya ay nagalit pa ito at pinagbintangan pa siyang nanunumbat. Nagmataas pa ito at sinabing hindi naman manghihiram sa kanya kung hindi lang nangangailangan.

Credit: Facebook / Joy Anne Perez

“So sinusumbat mo yan? Kung hindi lang ako nangailangan nun di ako lalapit sayo hahaha,” sagot ng kaibigan ni Joy na tila nagmamayabang pa at wala talagang plano na magbayad sa kanya.

“Sana ikayaman mo yang pagwork mo. Wag mo ko kalimutan pag umasenso ka na ha. Hayaan mo, andito pa rin ako para sa’yo. See you soon mah friend. God bless you,” saad ni Joy.

Credit: Facebook / Joy Anne Perez

Kahit sobrang nakakagalit na ang pang-iinsulto at pangmamaliit na natanggap ni Joy ay kalmado at maayos niya pa rin itong nireplyan. Kung ang iba ay maaaring nakapagmura na, tanging sarkasmo na lamang ang iginanti ni Joy sa kaibigan.

Narito naman ang buong post ni Joy patungkol sa kaibigan:

“TINDA TINDA KA NA LANG?”

“Hindi ko ugali mag-post ng ganito. Pero paisa lang. Isa lang talaga. Hahahaha! (Might delete this later). So a friend of mine, reacted to my “My Day” and she leaves a message. See photos na lang. Ni-SC ko naman na eh. HAHAHAHAHA!”

Credit: Facebook / Joy Anne Perez

“Eto lang gusto ko sabihin sa’yo mah FRIEND, Para don nga pala sa kacheapan na sinasabe mo. Wala akong pake. Kung yan yung sa tingin mo, okay lang. Hahaha. Di naman ako nakakaano sa’yo eh. Ikaw pa nga tong me atraso sakin way back 2018 ata yon. Hahahahaha.”

Credit: Facebook / Joy Anne Perez

“PS: April 2016 ako grumaduate. May 02. 2016 nag start na ko mag work sa Laguna gang Sept 2017. Anjan na ren COE ko. Tingnan mo. Hahaha. Pinicturan ko na rin yung Diploma ko na sinasabe mong inaanay na. Pati DTI ng business ko. Sinama ko na rin yung passbook ko nakakahiya kasi sa monthly income mo eh. At etong food business na to, actually trial pa lang talaga to. (I have permits too di ako ilegal na nagtitinda online) Nag susurvey pa lang ako. Kung maging okay sa public, then why not? We’re planning to put this up na rin naman. Kaso lang due to this pandemic nga so mejo madedelay lang ulit. And I’m planning to study pa rin naman about cooking. Kaway kaway sa mga bessy kong may alam nyan. Hahahaha. Hindi lang talaga ako palasabe kung kanino, kase gusto ko tahimik lang buhay. Kaya nga di ako nag artista eh tamang support na lang ako. Eme lang. Hahahaha!”

Credit: Facebook / Joy Anne Perez

“Isa pa, oo wala naman kaming mansion. Okay na ako sa bahay na kawayan eh. Pwro meron naman na kaming mga sasakyan. Actually ilan na rin naging sasakyan namin eh. Di ako nagyayabang. Pero papatulan kita. Hahahahaha. May motor, tricycle at jeep kami before pero dahil sa ano mang dahilan binenta yon. Kasi yung para sa safety din. So far naman may Nissan Van at Toyota Revo naman kaming nagagamit.”

“Roadtrip ba gusto mo? Sunduin pa kita jan, sabihin mo lang san mo gusto pumunta. Promise, uupo ka lang. Sagot na kita. HAHAHAHAHAHAHA. Haba na masyado, tama na nga. See you soon na lang. Yung utang mo wag mo na bayaran. Ayuda ko na sa’yo yon. LABYU MAH FRIEND. HAMISYOOO. GOD BLESS YOUUUU!!! HAHAHAHAHAHAHA!”

Kalakip nito ay ang screenshots ng kanilang pag-uusap, ang litrato ng kanyang bank account na may lamang mahigit isang daang libong piso (P116,102,99), business permit, certificate of employment mula sa kanyang dating trabaho, at ang kanyang college diploma kung saan ay nakapatapos siya ng Business Administration.

Credit: Facebook / Joy Anne Perez

Ang lahat ng ito ay patunay na hindi niya deserve ang mga pang-iinsulto at pangmamaliit sa kanya ng kaibigan. Hindi lang siya basta online seller lang na cheap, kundi isang palabang babae at negosyante na may pinag-aralan at may ipon pa.

Walang masama sa pagiging online seller basta’t nagtatrabaho ng marangal at walang tinatapakang tao. Patunay ito na hindi lang nakabase ang tagumpay ng isang tao sa diploma at sa klase ng trabahong meron siya. Ang tunay na matagumpay ay taong nagsusumikap sa buhay at hindi nang-aapak ng kanyang kapwa.