Miles Ocampo, Excited sa Bagong Kabanata ng Kanyang Buhay Matapos Pumirma sa Crown Artist Management

Si Camille Tan Hojilla o mas kilala bilang si Miles Ocampo ay isang aktres, singer, model at writer. Sa edad na pitong taong gulang ay nagsimula siyang pumasok sa mundo ng showbiz nang mapasama siya sa sikat na kiddie gag show na ‘Goin’ Bulilit’.

Siya ay hawak ng Star Magic at nagmula sa ABS-CBN Network kung saan ay gumanap siya sa maraming teleserye at mga pelikula. Gayunpaman, masasabing hindi siya kasing sikat ng mga kasabayan niyang artista at bihira lamang mabigyan ng lead role.

Credit: Instagram / milesocampo

Nito nga ay ikinagulat ng lahat na kabilang na siya sa GMA Network kung saan ay ginaganapan niya ang karakter ni Liz sa sitcom na ‘Happy Together’. Kasama niya dito ang aktor na si John Lloyd Cruz na kasama niya rin noon sa sitcom na ‘Home Sweetie Home’ sa ABS-CBN.

Subalit nito lang March 5 ay mas ikinagulat ng lahat ang paglipat niya ng talent management. Pumirma si Miles sa talent management na pagmamay-ari ng aktres na si Maja Salvador na “Crown Artist Management”. Namangha ang marami dahil sa mga larawan niyang inilabas sa instagram account na kasabay ng kanyang pagbalita ng paglipat.

Credit: Instagram / milesocampo

Ang mga larawan ay ibang-iba sa kanyang karakter na sweet at jolly, dahil makikita sa mga larawan ang kanyang fierce at powerful look. Tila nagbago siya ng imahe at pahiwatig ito na mas magiging maganda ang takbo ng kanyang showbiz career ngayong nakalipat na siya ng talent management.

Ang paglipat ni Miles ng talent management ay itinuturing niyang bagong kabanata ng kanyang buhay. Ayon nga sa isang post niya sa instagram account na may caption na ‘New Chapter’ na inulan naman ng mga pagbati galing sa kanyang mga kapwa artista.

Credit: Instagram / milesocampo

Haaaaaaaay ang ganda gandaaaaa!!! Congratulations!!!! love you,” komento ni Sue Ramirez.

“Ganda!!!” komento ni Michelle Vito.

“Ay!!! Pak!!! Beautiful.” Komento ng Miss World 2013 na si Megan Young.

Credit: Instagram / crownartistmgmt

“I LOVE THIS!!” komento ng dating kasamahan sa Goin’ Bulilit at kaibigan na si Kathryn Bernardo.

“So proud,” komento naman ni Dimples Romana na gumanap bilang ina niya sa isang teleserye.

Marami pang kapwa artista at mga kaibigan ang bumati kay Miles para sa bagong kabanata ng kanyang buhay. Lahat ay masaya para sa kanya at todo suporta. Inaabangan ng lahat ang mga darating pang blessing sa kanyang buhay at makita pa siya sa maraming proyekto sa showbiz.

Credit: Instagram / milesocampo

Makikita naman ang kasiyahan ni Miles dahil sa bagong kabanata na kanyang pinasok. Kinakabahan man, alam niyang isa ito sa magandang desisyon na kanyang ginawa. Nagpapasalamat siya sa lahat ng taong bumati kanya, at sa mga fans na walang sawa siyang sinusuportahan saan man siya mapunta.

“Congratulations Miles, so proud of you.

“Good decision Miles! Looking forward for more projects of you.

“Ang ganda mo Ate Miles! Congrats po.

Credit: Instagram / crownartistmgmt

Deserve mo ang maraming blessings dahil magaling kang artista.

“Tiwala akong mahahandle ka ng maayos dyan sa Crown Artist Management, syempre Maja yan e!”

Isang magandang halimbawa si Miles ng pagbabago. Ipinakita niyang huwag matakot sa paglipat at pagbabago kung ito naman ang mas makakabuti sa iyong buhay. Huwag mabuhay sa pagsisi at maging positibo lang sa bawat bagong kabanata na haharapin.

Leave a Reply