Anak, Inilibre ang Kanyang Ina Matapos Siyang Samahan sa Pagkuha ng Requirements sa Trabaho

Lumaki ang mga anak na sila ang palaging dinadala ng magulang upang kumain sa isang fastfood chain tulad na lang ng McDonalds o Jollibee. Lahat ng anak ay may memorya kung saan masaya silang dinala ng magulang para kumain ng masarap na pagkain sa labas, na nagpapakita ng pagmamahal. Sa pagkakataong ito anak naman ang nagdala sa magulang sa isang kainan para ilibre bilang kanyang pasasalamat.

Ang binatang si Vincent Elan na isang mapagmahal na anak ay inilibre ang kanyang ina sa Jollibee upang kumain. Pasasalamat niya ito dahil sinamahan siya ng ina sa pag-aapply ng una niyang trabaho at inalalayan siya buong araw sa pag-aayos ng kanyang mga requirements.

Credit: Facebook / Vincent Elan 

Ayon kay Vincent na isang Senior High School graduate, nais niyang maghanap ng trabaho ngunit kinakabahan siya at hindi alam kung anong unang gagawin. Iyon ang unang pagkakataon niya na maghahanap ng trabaho kaya naman walang pagdadalawang-isip siyang tinulungan at sinamahan ng kanyang ina.

“Kanina po umaga, mga 8 AM, umalis na agad ako para kumuha ng Philhealth, Pagibig, at SSS. Di ko alam ang gagawin at medyo mahiyain magtanong haha.

Normal na kabahan si Vincent dahil unang pagkakataon niya pa lang maghahanap ng trabaho at mag-aasikaso ng kanyang mga requirements. Napansin ng kanyang ina ang kanyang kaba at nag-alala ito para sa kanya kaya naman sinamahan nito ang anak ng walang pagrereklamo.

Credit: Facebook / Vincent Elan

“Pero dahil hindi ko nga alam ang gagawin kanina, to the rescue po si Mama para samahan ako na kunin yung tatlong requirements then nagdecide kami na online na lang kunin yun at dumiretso na sa clinic sa Cubao,” kwento ni Vincent.

Kahit mainit at nakakapagod ang pag-aasikaso ng mga requirements ni Vincent ay sumusuporta lang ang kanyang ina at sinamahan pa nga siya na magpa-medical check-up. Hindi biro ang ginawa ng kanyang ina dahil kung tutuusin pwede namang hayaan na lang siya nito at matuto siyang mag-isa kung paano maghanap ng trabaho.

Bilang isang magulang mahirap para sa kanila na nakikitang nahihirapan ang anak kaya kahit sa simpleng bagay ay gusto nilang makatulong. Parte ng paglaki ng kanilang anak ang maranasan ang paghihirap ng paghahanap ng trabaho at pag-aasikaso ng mga requirements, ngunit hanggat maaari ay gusto nilang magabayan ang mga ito.

Credit: Facebook / Vincent Elan

Tanghali na umano natapos ang medical check-up ni Vincent kaya naman sakto na para sa tanghalian. Alam niyang pagod at gutom na ang kanyang ina kaya naisipan niyang ilibre itong kumain sa Jollibee. Nag-alangan pa umano ag kanyang ina dahil wala silang pera, ngunit sinabi niyang siya ang bahala at hindi na ito dapat mag-alala.

“Sabi ni Mama walang pera, sabi ko ako na bahala. Medyo malaki yung bill pero ayos lang,” saad ni Vincent.

Hindi inalintana ni Vincent ang presyo ng kanilang kinain dahil malaki ang pasasalamat niya sa kanyang ina at naglaan ito ng oras at pagod sa kanya. Ang ngiti nito habang kumakain sila ay sapat ng kabayaran sa kanyang panlilibre, at kung tutuusin nga ay kulang pa ito sa lahat ng sakripisyo at pagmamahal nito sa kanya.

Credit: Facebook / Vincent Elan

Marami namang netizens ang natuwa sa panlilibreng ginawa ni Vincent sa kanyang ina at inulan siya ng mga papuri. Maski ang kanyang ina ay pinuri rin ng mga netizens dahil sa suportang ibinigay nito sa anak.

“Ang sweet naman ng anak na ‘to, sana lahat ng anak ganyan.”

“Halata sa Mama mo na masayang-masaya siya. Nakakatuwa.”

“Mapagmahal ang Mommy mo at hindi ka niya pinabayaan, nakaka-touch yung effort niya sayo.

“Maswerte kang anak, hindi lahat ng magulang sasamahan ang anak sa paghahanap ng trabaho. Kudos sa Nanay mo.”

“Good job, boy! Next time hindi mo lang diyan ililibre ang Mama mo, malilibre mo pa siya sa maraming lugar, ibi-bless ka ni Lord.”

Credit: Facebook / Vincent Elan

Isang magandang halimbawa si Vincent at ang kanyang ina ng pagkakaroon ng magandng relasyon sa isat-isa. Patunay lamang ito na napalaki ng maayos si Vincent dahil marunong siyang tumanaw ng utang na loob sa ginawang pagsama sa kanya ng ina.

Sa simpleng paraan ay pwedeng maipakita ang pasasalamat sa magulang, hindi kailangang magarbo basta’t may pagmamahal. Malaking bagay na sa mga magulang ang ma-appreciate sila ng kanilang anak at masaya na sila kahit ang simpleng panlilibre lang basta galing sa puso.

Leave a Reply