Nanay, Nalungkot nang Hindi Kainin ng Anak ang Nilutong Sardinas na may Miswa Dahil Natuyuan Umano Ito

Ang ating mga nanay ang dakilang bayani sa loob ng tahanan. Ginagawa nila ang lahat para sa kanilang pamilya—mula sa paglilinis, paglalaba, pag-aalaga at pagluluto. Kahit pagod na ay hindi pa rin sila humihinto at patuloy pa rin itong ginagawa sa araw-araw hanggang sa sila ay tumanda. Kaya naman masakit para sa kanila kapag hindi na-appreciate ng kanilang anak ang kanilang mga sakripisyo.

Ibinahagi sa Facebook account ni ‘AmbonTv John’ ang larawan ng kanyang ina na naabutan niyang mag-isang kumakain sa lamesa. Ito ay dahil umano sa hindi nagustuhan ng kanyang kapatid ang niluto nitong ulam na sardinas na may miswa.“Nakita ko Mama ko kumakain mag-isa tapos tinanong ko bakit parang malungkot siya. Ayaw daw kumain ng kapatid ko kasi yung nilutong ulam e nasobrahan sa lapot, nawalan ng sabaw,” saad ni John.

“Nakita ko Mama ko kumakain mag-isa tapos tinanong ko bakit parang malungkot siya. Ayaw daw kumain ng kapatid ko kasi yung nilutong ulam e nasobrahan sa lapot, nawalan ng sabaw,” saad ni John.

Credit: Facebook / AmbonTv

Ang sardinas na may miswa ay isa sa mga masarap na ulam na hinahain sa bawat hapag ng pamilyang Pilipino. Bukod sa mura lang ang mga rekados ay madali lang itong lutuin at nakakabusog pa. Ito ay ulam na may sabaw na masarap isahog sa mainit na kanin, ngunit nasobrahan sa pagkaluto ang gawa ng ina ni John kaya ito ay lumapot at nawalan ng sabaw na hindi umano nagustuhan ng kanyang kapatid kaya hindi ito kumain.

“Sumablay daw ang luto, hindi daw masarap.”

Naawa si John sa kanyang ina at hindi niya kinayang malungkot ito at nag-iisang kumakain lang kaya naman sinaluhan niya ito. Kahit busog pa siya ay kumain pa rin siya ng luto nito para ipakita na na-appreciate niya ang luto nitong ulam kaya hindi na dapat ito malungkot pa.

Credit: Casa Baluarte

“Ang ginawa ko, kumuha ako ng kanin kahit busog pa ako. Kinain ko yung nilutong ulam ng Mama ko para ipakita na na-appreciate ko yung luto nya,” dagdag ni John.

Simpleng bagay lamang ang ginawa ni John ngunit napangiti niya na ang kanyang ina. Masaya umano itong ipinagpatuloy ang pagkain kasama siya at natuwa sa kanyang papuri.

“Sabi ko nga masarap naman luto niya e. Tapos yun ngumiti na. Pero masarap talaga siya nawalan lang ng sabaw. Wag ka na malungkot Ma. I love you.”

Credit: Facebook / AmbonTv

Ang simpleng pagkain sa lutong ulam ng ina ay malaking bagay na para sa kanila. Masaya na silang nakikita na kumakin ng magana ang kanilang anak at sapat na itong kabayaran sa kanilang pagod sa buong hapon na pagtatrabaho sa loob ng bahay.

Hindi talaga maiiwasan na magkaroon ng ulam na hindi perpekto ang pagkaluto o ang lasa. Maaaring sa sobrang abala ng ating mga nanay ay nakaligtaan nila ang kanilang niluluto o kaya sa sobrag pagod ay nagkulang sila sa atenyon sa kusina. Mahirap maging isang nanay kaya naman ang pinaka-simpleng dapat gawin ng mga anak ay magpasalamat na lamang sa kanila.

Marami namang netizens ang nalungkot para sa ina ni John at hindi natuwa sa ginawa ng kanyang kapatid.

Credit: Facebook / AmbonTv

“Grabe naman yan, nagpakahirap ang nanay mong magluto tapos di mo kakaiinin.”

Ang arte naman, ang sarap nga ng ulam nyo e. Yung iba nga dyan walang makain.”

“Dapat magpasalamat ka na lang sa hinanda ng nanay mo, nag-effort siya dyan e.”

“Mahirap talagang maging magulang, kahit gawin mo na ang lahat kulang pa rin.”

“Buti na lang mabait naman ung isa mong anak at sinamahan kang kumain.”

Credit: Facebook / AmbonTv

May ilan ding netizens na naintindihan ang inasta ng kapatid ni John kaya huwag daw sana itong i-bash.

“Sorry ganyan din ako minsan pag ayaw ko ng ulam hindi talaga ako kumakain, kesa naman pilitin ko sarili ko tapos isuka ko bigla sa harap ng nanay ko, mas nakakabastos yun.”

“Wag kayong magmalinis, lahat naman tayo dito nakaranas na hindi kumain kasi di natin gusto ung ulam no. Normal lang yan lalo na sa mga bata. Stop the hate guys.”

“Dapat hindi niya na pinost ito, I feel bad for his sibling. Naging masama pa sa paningin ng mga tao.”

“Our children doesn’t owe us anything. Not good mood, not good grades, not saying yes to everything. They didn’t choose to be born. That was our decision. We’re not even good persons for putting food on the table or putting roof over their heads. That’s our responsibility. Our children don’t owe us anything, we owe them everything.”

Credit: Facebook / AmbonTv

“Stress sa bata ang kakain ng di nya gusto, how can parents understand their children’s feelings if they don’t know how to listen? Parenting is a constant learning.”

Gayunpaman, importante pa rin na magbigay respeto sa magulang. Ano man ang pagkakamali at pagkukulang nila nararapat pa rin silang bigyang galang dahil sa kanilang mga sakripisyo.

Para naman sa mga magulang, tanging pag-unawa na lang din ang pwede nilang gawin sa asal ng anak. Intindihin sila at pagsabihan na lamang sa kanilang ginawa at upang maiwasan rin na lumalala pa ang problema.