Janitor Noon, Isa ng Matagumpay na Restaurant Owner Ngayon sa Australia

Maraming mga Pilipino ang nakikipagsapalaran sa ibang bansa sa pag-asang makakaipon at makakaahon sa kahirapan. Tinitiis nila na malayo sa pamilya at magsakripisyo para may maipadala at makapag-ipon tulad na lamang ng lalaking ito. Pinabilib niya ang maraming netizens matapos magtrabaho sa ibang bansa at kalaunan ay nakapagpatayo ng sarili niyang negosyo.

Si John Andrew Dangca ay 25-anyos at nagmula sa Dasmariñas, Cavite. Sa edad na 19-anyos ay nagsimula siyang makipagsapalaran sa bansang Australia at nagtrabaho bilang isang janitor. Sa tulong ng kanyang kamag-anak ay nakapunta siya ng Australia ngunit hindi para magbakasyon kundi para magtrabaho at makatulong sa kanyang naiwang pamilya sa Pilipinas.

Credit: Facebook / John Andrew Dangca

Masasabing napakabata pa ni Andrew para magtrabaho sa ibang bansa bilang isang janitor kaya naman aminado siya na napakahirap ito noon para sa kanya. Madalas siyang makaramdam ng pagka-homesick at gusto ng umuwi sa Pilipinas ngunit tinatagan niya ang kanyang loob at nagpatuloy.

Bukod sa pagiging janitor ay nag-aaral din si Andrew noong mga panahon na iyon. Pinagsasabay niya ang pagtatrabaho at pag-aaral dahil ayaw niyang maging janitor lang habang buhay at nangangarap din na magkaroon ng magandang trabaho. Hindi naman siya nabigo dahil nabigyan siya ng magandang oportunidad at naging isang assistant sa isang Age Care Facility.

Credit: Facebook / John Andrew Dangca

Sa kabila ng pagkakaroon niya ng magandang trabaho sa Australia ay hindi pa rin iniwan ni Andrew ang trabaho niya bilang isang janitor. Naging doble ang kanyang trabaho dahil determinado siyang maka-ipon ng malaki dahil plano niya palang magtayo ng sarili niyang negosyo.

Hindi naman binigo si Andrew ng kanyang determinasyon at kasipagan dahil naisakatuparan niya ang pangarap na negosyo. Nakapagpatayo siya ng restaurant sa Canberra, Australia na tinawag niyang “Salu-Salo” na tunog palang ay napaka-Filipino na.

Credit: Facebook / John Andrew Dangca

Ang kanyang Pinoy restaurant ay naghahatid ng ibat-ibang Filipino dishes para sa mga taong gustong makatikim ng Filipino food at lalo na sa mga kapwa Pinoy niya sa Australia na namimimiss na ang mga pagkaing Pinoy.

Hindi na rin muling mangungulila si Andrew sa kanyang pamilya sa Pilipinas dahil nakuha niya na ang mga ito at sama-sama na silang naninirahan ngayon sa Australia. Masayang-masaya si Andrew sa naging takbo ng kanyang buhay, mahirap man ang kanyang pinagdaanan noon ay pinagpala naman na siya ngayon.

Credit: Facebook / John Andrew Dangca

Marami namang netizens ang humanga at nagbigay papuri dahil sa kasipagan ni Andrew at sa narating niya sa buhay.

Congrats Sir, you deserve it for all the hardwork and sacrifices that you made.”

Galing! basta may sipag at tyaga hindi imposibleng maging maganda ang buhay!”

Credit: Facebook / John Andrew Dangca

“Congrats in your restaurant! You’re such an inspiration.”

“Dreams plus hard work is equal to success.”

Credit: Facebook / John Andrew Dangca

Patunay si Andrew na walang imposible sa buhay basta may determinasyon at pagsusumikap. Kahit mahirap ang buhay at malayo sa pamilya, ang pagkakaroon ng pangarap ay gawing dahilan para magpatuloy. Hindi rin dapat ikahiya kung nagsimula ka lang sa mababang antas ng trabaho dahil ang importante ay walang tinapakan at ginamit mo ito para magtagumpay.

Payo naman ni Andrew, “If you have a dream, don’t step back anymore, but instead, keep pushing on. If you want to get something up and running, you gotta move forward.”

Leave a Reply