Ginang, Limang Oras Naipit ang Ulo sa Gate ng Kapitbahay Dahil sa Pakikipag-Chismisan

Sino nga bang hindi makakakilala sa pangalang ‘Marites’ na binansagang pambansang chismosa. Sa paglipas ng panahon, hindi na lang basta chismosa at chismoso ang tawag sa mga taong mahilig makipagkuwentuhan, ngayon nga ay binansagan na silang si ‘Marites’ na ang ibig sabihin ay “Mare, anong latest?”

Normal na ang makipagkwentuhan dahil parte ito ng pagkakaroon ng komunikasyon at pakikipagkapwa tao, ngunit may mga panahon na wala na ito sa lugar at humahantong na nga sa paninirang-puri at pag-aaway. Kinaiinisan ng marami ang mga Marites dahil mahilig umano nilang pagkuwentuhan ang buhay ng iba at ginagawa nila iyon kahit saan.

Credit: Not Salmon

Subalit ano nga bang pwedeng mangyari dahil sa labis na pakikipag-chismisan? Bukod sa maaari kang makulong dahil sa paninirang-puri, pwede rin palang maipit ang ulo mo sa gate ng iyong kapitbahay tulad na lamang ng babaeng ito.

Ibinahagi sa Radio La Roca FM 103.9 ang mga larawan ng babaeng ito na naipit ang ulo sa gate ng kanyang kapitbahay. Ayon sa mga saksi, ‘di umano ay nakikipag-chismisan ito at sa sobrang pagkadala niya sa kanilang kwentuhan ay hindi na nito namalayan na naipasok niya ang ulo sa gate.

Credit: Facebook / Radio La Roca FM 103.9

Sinubukan nitong tanggalin ang kanyang ulo ngunit huli na ang lahat dahil hindi niya na ito matanggal. Sinubukan siyang tulungan ng kanyang kapitbahay pero hindi rin nila maalis ang ulo ng babae kaya naman tumawag na sila ng tulong sa awtoridad.

Ang naturang babae ay taga-Virginia na mula sa bansang Columbia. Ayon sa nagbahagi ng mga larawan ay halos limang oras umanong naipit ang ulo ng babae sa gate. Ipinagtataka pa rin ng marami kung paano niya nailusot ang kanyang ulo sa gate ngunit hindi naman mailabas.

Credit: Facebook / Radio La Roca FM 103.9

Maraming netizens ang hindi napigilang matawa sa nangyari sa babae, ang ilan naman ay naawa at nag-alala rin para sa kanyang sitwasyon.

“Chismis pa more. Hahaha!

“Baka karma mo yan Sis kasi panay ka chismis. Hahaha!

Credit: The Ladders

“Aray ko po! Nakakahiya naman yan, naipit ulo mo dahil sa kakachismis. Hahaha!”

“Sana ok lang si Ate, mag-ingat na lang sa susunod, wag makipag-chismisan kung saan-saan.

“Sobrang excited makipagchimisan, ayan tuloy nangyari. Ingat po next time, mas maganda ‘wag ka na lang makipag-chismisan.”

Credit: Buzz Carribean

Patunay ito na saang sulok man ng mundo ay hindi mawawala ang mga Marites. Ito rin ay magsisilbing-aral para sa lahat na huwag makipagchismisan kung saan-saan, at mas mabuti kung huwag na lang pag-usapan ang buhay ng ibang tao dahil wala naman itong maidudulot na maganda.

Mas mabuting isipin na lang ang sarili at pamilya kaysa makialam sa buhay ng ibang tao upang maiwasan na masangkot sa isang away o kapahamakan katulad sa nangyari sa babaeng ito. Walang masama sa pakikipagkuwentuhan basta’t walang nasasaktan at naaapakan.

Leave a Reply