Daddy, ‘Game’ na Pinalitan ang Tinopak na Anak sa Pictorial Para Hindi Masayang ang Bayad

Ang pagkuha ng litrato sa bawat milestone ng anak ang uso ngayon. Gumagastos ang mga magulang para makuhanan ng magagandang litrato ang kaarawan, binyag at kahit anong okasyon patungkol sa anak upang magsilbi itong alaala. Ngunit paano kung tinopak ang anak mo sa araw ng pictorial shoot niya, ano ang gagawin mo?

Kinagiliwan ng mga netizens at umani ng maraming reaksyon ang mga larawan ng isang daddy, na kung saan ay nakasuot siya ng cute dress para sa isang pictorial. Ang pictorial na ito ay para sa kanyang anak na malapit ng binyagan, ngunit sa araw ng pictorial ay wala ito sa mood at puro pagbusangot at pag-iyak lang ang ginawa.

Credit: Facebook / Faces Portraits

Ang daddy ay nakilala na si Napoleon Soriano kung saan ay game na game siyang pumalit sa anak niyang wala sa mood, para lang hindi masayang ang binayad nila ng kanyang misis na si Mommy Fae. Makikita sa mga larawan na ibinahagi ng Faces Portraits na nakasimangot at umiiyak ang anak nila Daddy Napoleon at Mommy Fae na si Baby Ellie. Hindi nito gustong magpakuha ng litrato at kahit simpleng ngiti ay ipinagdadamot ng bata.

“Kesa masayang ‘yung pera, tabi mo, Anak, ako na,” saad ni Daddy Napoleon.

Credit: Facebook / Faces Portraits

Importante ang ngiti ng bata sa mga pictorial dahil ito ang nagpapaganda sa litrato, kaya naman naisip ni Daddy Napoleon na siya na lang ang papalit sa kanyang anak. Bukod sa pera, ayaw nilang masayang ang magandang set-up at effort ng staff kaya walang alinlangan na nagsuot si daddy ng cute dress at siya ang sumabak sa pictorial.

Imbes na mainis si Daddy Napoleon sa araw na iyon ay nagawa niya pang magsaya at magpasaya. Hindi siya nagsayang ng oras at nagbigay ng nakakatuwa at magagandag pose sa photographer. Ang araw na dapat ay disaster ay naging masaya dahil sa nakakatuwang ugali ni Daddy.

Credit: Facebook / Faces Portraits

Bumilib ang Faces Portraits kay Daddy Napoleon dahil hindi nila akalain na may magulang na gagawin iyon. Iyon ang unang pagkakataon na imbes na ang bata ang kanilang kuhanan ng litrato ay ang daddy nito ang kinuhanan nila. Kung ang ibang magulang ay pipiliin na huminto na lang at umuwi o kaya’y magpa-resched at magbayad muli, iba si Daddy Napoleon.

Ayon naman sa mga netizens normal lang talaga sa mga bata ang pagiging moody. Bigla na lang silang nakasimagot, iritable at iiyak ng hindi mo alam ang dahilan at isa iyon sa pagsubok ng pagiging magulang.

Credit: Facebook / Faces Portraits

“Normal lang yan sa mga bata lagi talaga silang may mood swings, ngayon ang saya pa, mamaya iiyak na.”

“Ganyan din anak ko palangiti naman siya pero pagpi-picturan na bigla na lang mawawala sa mood.”

Ang sarap mag-picture ng mga baby kasi ang cute nila kaso nakakainis na pag biglang magta-tantrums, hahaha.

Credit: Facebook / Faces Portraits

“Sa part na ‘to si Daddy ang bida at hindi si baby, hahaha. Ang cute!”

“Buti na lang mabait at masiyahin yung Daddy, kung asawa ko yan maiinis rin yun.”

“Kudos kay Daddy, not all fathers can do that. Handa siyang maging funny basta lang ‘wag masayang ang pera at effort ng mga tao.”

Credit: Facebook / Faces Portraits

Mahirap talaga maging magulang lalo na sa mga batang madalas mag-mood swings kaya naman nakakabilib ang mga magulang na hindi sinasabayan ang mood swings ng anak. Imbes na mainis o magalit sila ay gumagawa sila ng paraan upang maayos ang sitwasyon.

Patunay si Daddy Napoleon ng pagiging isang mabuting magulang. Hindi niya inalintana ang pagsuot ng cute dress at pag-pose huwag lang masayang ang araw na iyon. Ginawa niyang masaya at magandang alaala ang muntik ng masirang araw ng lahat.

Leave a Reply