‘Unique’ o Kakaibang Pangalan ng Magkakapatid, Kinaaliwan sa Social Media

Ang pangalan ng tao ay importante dahil tumutukoy ito sa kanyang pagkakakilanlan. Ito ay isang yaman na ibinibigay ng magulang sa kanilang anak kaya naman sinisikap ng bawat magulang na mabigyan ng magandang pangalan ang anak dahil dadalhin nila ito habambuhay.

Sa panahon ngayon, ang pagbibigay ng pangalan sa anak ay tila naging isang kompetisyon na. Pagandahan, pahabaan at paibahan na ang labanan pagdating sa pagbibigay ng pangalan katulad na lamang ng tatlong magkakapatid na ito na binigyan ng kakaibang pangalan ng kanilang mga magulang.

Credit: Facebook / Myrz Magliba

Ang magkakapatid na sina Pzxydynn Yzzyr M. Tamayo, Djyknyll Rysym M. Tamayo at Dzywrygh Lynzh M. Tamayo ay binigyan lang naman ng sobrang unique na mga pangalan na halos mahirap na itong mabasa. Kung titingnan ang pangalan ng magkakapatid ay wala itong mga vowel letters at puro consonant lamang na pinagsama-sama kaya mahirap itong mabasa sa unang tingin lang.

Ayon sa kanilang mga magulang, naisipan nilang bigyan ng kakakibang pangalan ang kanilang mga anak dahil ayaw nilang matulad ito sa kanila na may simpleng pangalan lang at maraming kapareha. Gusto nilang kakaiba ang pangalan ng mga ito dahil isa ito sa mga magandang maipapamana nila sa kanilang mga anak.

Credit: GMA News

Para naman sa mga magkakapatid tanggap nila ang kanilang mga pangalan dahil bukod sa kakaiba ito at bigay ito sa kanila ng kanilang magulang. Gayunpaman, inamin nila na mahirap itong isulat noong bata pa sila dahil nakakalito itong isulat.

Pagdating naman sa ibang tao, madalas umanong nagkakamali ang mga ito magpa-spell ng kanilang pangalan kapag kanilang binabanggit. Hindi rin sila matawag ng maayos ng mga ito dahil hindi alam kung paano babasahin ang kanilang mga pangalan.

Credit: GMA News

Subalit kahit ganun, ang pagkakaroon nila ng kakaibang pangalan ay naging daan upang hindi sila agad makalimutan ng mga tao tulad na lang ng kanilang mga guro at kaklase. Tumatatak daw sa mga ito ang pagiging kakaiba ng kanilang pangalan at namamangha rin.

“Very unique name, nice.

Having a unique name is very nakaka-proud, ibig sabihin mahal na mahal kayo ng magulang nyo para mag-effort ng ganyan sa pangalan nyo.”

Credit: GMA News

Maganda nga yan na kakaiba kasi wala kayong katulad di kayo magkaka-problema sa pagkuha ng requirements nyo.”

“Mas unique mas maganda, pangit kasi pag may kapareho ka ng pangalan lalo na pag nasa isang klase kayo, di mo alam sino tinatawag sa inyong dalawa.”

Credit: Facebook / Myrz Magliba

Nasanay na ang mga magkakapatid sa kanilang pangalan at natutunan na nila itong mahalin kaya wala umano silang balak na papalitan ito. Ang importante naman ay kahit mahirap bigkasin ang kanilang pangalan ay may mabuti naman silang pagkatao.

Ang pagkakaroon ng pangalan ay ang unang regalo na ibinibigay sa bawat batang ipinapanganak. Isa itong yaman na dapat ipagmalaki kaya dapat lang na hindi mahiya anuman ang pangalan na mayroon ka.

Leave a Reply