Sabi nga ng isang sikat na kasabihan, ‘don’t judge the book by its cover’ dahil hindi mo talaga masasabi kung sino ang isang tao at kung ano ang kaya nitong gawin base lang sa panlabas nitong itsura. Katulad na lamang ng nangyari sa matandang ito na napagkamalang pulubi dahil sa kanyang ayos.
Isang matandang lalaki mula sa bansang Thailand ang inakalang pulubi ng mga sales staff matapos itong pumasok sa motorcycle shop. Dahil sa kanyang pananamit at postura, mukha umano itong pulubi na walang kakayahang bumili ng mamahaling motor kaya naman walang pumansin dito.

Nadismaya ang matanda dahil walang pumansin sa kanya at walang nag-assist man lang. Hindi nagka-interes ang mga sales staff na tanungin siya kung anong kailangan niya at kung bibili ba siya dahil hinusgahan na siya ng mga ito. Balak niya palang bumili ng mamahaling motor ngunit dahil walang pumansin ay minabuti niyang dumiretso na lang sa may-ari ng Mlmotorcycle shop at ito ang kausapin.
Ikinagulat ng mga sales staff na matapos nitong kausapin ang may-ari ay bumili nga ito ng motor, hindi lang basta simpleng motor kundi mamahalin pa. Nagkakahalaga ang motor ng 600,000 baht o halos 933,210.68 Philippine peso sa ngayon. Para sa isang taong mukhang pulubi na makabili ng ganito kamahal na motor, talaga namang ito ay nakakagulat para sa lahat.

Hindi lubos akalain ng mga sales staff na ang hinusgahan nilang pulubi ay may dala palang napakalaking halaga ng pera. Buong akala nila ay tumitingin lang ito at walang kakayahang bumili dahil nga sa ayos nito. Magkahalong pagkapahiya at pangkamangha ang naramdaman ng mga sales staff matapos malaman ang sitwasyon ng matanda.
Ayon naman sa kapatid ng matanda, hindi naman daw talaga ito mayaman kundi isa itong retired na mekaniko na nag-ipon para mabili ang pangarap na motor. Itinigil daw umano ng matanda ang pagbibisyo at nagsimulang mag-ipon para maabot ang pangarap nitong mamahaling motor.

Hindi naman masisisi ang mga sales staff na mapagkamalan siyang pulubi dahil simple lang talaga itong manamit at walang arte. Ngunit hindi ito dahilan para manghusga ng kapwa at maliitin sila. Ito ay magsisislbing aral para sa mga sales staff at para na rin sa lahat na huwag basta manghusga ayon lang sa itsura.
“Karaniwan sa mga totoong may pera sila yung mga simple manamit lang talaga.”
“Judgmental talaga mga tao ngayon, pag mukha kang mahirap di ka papansinin, pag nalaman nilang may pera ka bigla silang babait.”

“Astig ni lolo ah. Pahiya ng mga tindera at tindero, haha.”
“Yan kasi, judge pa more!“
Ang panghuhusga ay hindi magandang gawain, anuman ang itsura ng isang tao ay hindi tamang husgahan sila dahil hindi natin alam ang kwento ng kanilang buhay. Imbes na manghusga ay mas mabuting tumulong na lamang sa kapwa.