Half-Pinay, Kinilala Bilang “World’s First Licensed Armless Pilot” at Kabilang Din sa Guinness World Record

Ang pagpapalipad ng eroplano ay hindi biro dahil kailangan ito ng matinding pag-aaral at training. Higit na mas mahirap at delikado ang pagpapalipad ng sasakyang panghimpapawid kaya naman hindi lahat ay sumusubok dito, ngunit ibahin nyo ang babaeng ito na lakas loob na nagpalipad ng eroplano sa kabila ng kanyang kakulangan.

Si Jessica Cox ay isang Filipino-American na ‘Professional Motivation Speaker’ na hinahangaan ng marami ngayon dahil sa galing niyang magpalipad ng eroplano gamit lamang ang kanyang dalawang paa. Ipinaganak kasi si Jessica na walang mga kamay kaya lumaki siyang naka-depende lamang sa kanyang mga paa, gayunpaman ay pinatunayan niya sa mundo ang kanyang kakayahan sa kabila ng kakulangan.

Credit: Facebook / Jessica Cox

Bukod sa pagiging mahusay niya sa pagpapalipad ng eroplano ay marami pang talento si Jessica. Hindi lang siya basta isang Professioal Motivation Speaker kundi isa rin siyang lisensyadong scuba diver, driver at piloto. Maliban pa dyan ay isa rin siyang taekwondo black belter at mahusay rin sa pagtugtog ng piano.

Masasabing napaka-multi-talented nga ni Jessica. Sino ang mag-aakalang ang katulad niyang walang mga braso at kamay ay maraming kayang gawin. Patunay lamag ito na hindi hadlang ang kakulangan upang maging talentado sa maraming bagay, at hindi dapat ikahiya ang anumang kulang sa iyo.

Credit: Facebook / Jessica Cox

Maswerte naman si Jessica dahil nabiyayaan siya ng mapagmahal na mga magulang na sinusuportahan ang ano mang gusto niyang gawin. Ayon sa mga ulat, ang kanyang ina umano ay isang Pinay na nagmula sa Eastern Samar at ang kanyang ama ay isang Amerikano.

Aminado naman si Jessica na hindi naging madali ang kanyang buhay dahil sa kanyang kakulangan. May mga pagkakataon umano na nagtatanong siya sa Panginoon kung bakit siya ipinanganak na hindi normal. Ngunit habang siya ay lumalaki natutunan niya umanong mahalin ang kanyang sarili at huwag malungkot sa kung anong wala siya, kundi maging masaya sa mga kaya niyang gawin sa kabila ng kakulangan ng braso at mga kamay niya.

Credit: Facebook / Jessica Cox

Dati raw gumagamit siya ng prosthetic hands upang magmukhang normal kagaya ng iba, ngunit kalaunan ay huminto na siya sa paggamit nito dahil hindi siya kumportable at nagdesisyon na gamitin na lang ang parte na meron siya. Doon nga nagsimulang magbago ang kanyang buhay, nang simulan niyang mahalin at mas gamitin ang kanyang mga paa. Mas marami siyang nadiskubreng bagay na kaya niya palang gawin noong tinanggap niya kung ano siya.

“And finally, though, after 11 years, I decided to give them up and I left them behind. I walked to my first day of eight grade, at the age of 14, without them, and it was the best decision that I ever made. I was finally the person that God created me to be.”

Credit: Facebook / Jessica Cox

Nakapagtapos si Jessica ng kursong Psychology sa University of Arizona ngunit alam niya sa kanyang sarili na may gusto pa umano siyang gawin at iyon ay ang maranasang makapagpalipad ng eroplano. Isa ito sa kanyang mga pangarap kaya naman kahit may pagdududa ay kanya pa rin itong itinuloy. Kumuha siya ng pagsusulit at training sa pagpapalipad ng eroplano at naipasa niya ito.

It seems impossible until it’s done,” saad ni Jessica. Tatlong taon ang makalipas pagkatapos niyang maging isang piloto ay nakatanggap naman siya ng medalya mula sa Guinness World of Record, bilang parangal sa pagiging kauna-unahang babae na nakapagpalipad ng eroplano gamit lamang ang mga paa.

Credit: Facebook / Jessica Cox

Talaga namang nakakamangha si Jessica at ang kanyang pambihirang kakayahan. Nagbigay inspirasyon siya sa maraming tao lalo na sa mga may kapansanan katulad niya. Pinatunayan niya na hindi hadlang ang kakulangan ng parte ng katawan upang maging matagumpay sa buhay. Lahat ng tao ay pantay-pantay na ginawa ng Diyos, kaya’t huwag basta sumuko at magpatuloy lamang.

Leave a Reply