Ang tahanan ay isa sa pinaka-importanteng bagay na dapat mayroon ang tao, at kapag sinabing ‘tahanan’, ito ay madalas nasa iisang lugar lamang nakatayo. Ngunit iba ang bersyon ng tahanan ang meron ang single mom na ito kung saan ay proud na proud niyang ibinahagi sa social media.
Si Katrina Quisil ay isang single mom, mag-isa niyang itinataguyod ang kanyang dalawang anak sa pamamagitan ng pagkakaroon niya ng dalawang trabaho. Isa siyang Registered Pharmacist sa umaga at isa namang Bank Specialist na nagtatrabaho sa BPO company tuwing gabi.

Dahil sa kanyang abalang trabaho at pag-aalaga sa kanyang dalawang anak, madalas ay nakakaranas ng stress si Katrina. Kaya naman naisipan niyang subukan ang ‘Van Life” na isang paraan ng pamumuhay na kung saan ay nakatira ka sa sasakyan at malayang nakakapunta sa ibat-ibang lugar kahit na abala ka sa trabaho.
Ang Suzuki DA62 Big Eye Van ni Katrina na nabili niya sa halagang 215,000 pesos at pina-customize niya at ginawang tila tahanan sa loob. Gumastos lamang siya ng halagang 5,000 pesos sa pagpapaayos nito, salamat sa tulong ng kanyang mga kapatid at pinsan na sinuportahan ang kanyang desisyon at kagustuhan.

Ang “Van Life” ay unang nauso sa bansang Amerika dahil sa ipinapakita nitong kalayaan. Ang pagtira umano sa sasakyan tulad ng van o bus ay isang magandang bagay dahil maaari kang pumunta sa ibat-ibang lugar kahit na abala sa trabaho. Isa pa, ito raw ay higit na matipid kaysa ang pagkakaroon ng aktwal na tahanan.
Ayon kay Katrina ang pagtira niya sa van ay nakakatulong upang ma-handle niya ng maayos ang kanyang dalawang trabaho at ang pag-aalaga sa kanyang dalawang anak. Nagbibigay umano ng comfort ang van life at mas nagkaroon siya ng maraming pagkakataon para magpahinga.

“I love how the van gives me a comfortable space to rest whenever I want to and wherever I go to, or during my breaks.”
Bukod sa nakakapagbigay ng comfort ang van life sa kanya, naging daan rin ito upang magkaroon sila ng magandang relasyon ng kanyang mga anak kahit na abala siya sa trabaho. Pumupunta sila sa ibat-ibang lugar at natuto ang kanyang mga anak na maging masaya sa simpleng buhay.

“I stay in the city on weekdays and travel on weekends. My week is full packed, and I need a breather. So van life travel on weekends give me a break from day-to-day stress. It’s like a recharge button for me before I start another productive week.”
Kapansin-pansin ang banig na nagsilbing kisame ng kanyang van. Ayon sa kanya gusto niya na ang kanyang van ay magkaroon ng rustic-Filipino vibe kaya nagdesisyon siyang ilagay ang banig, nakakatulong rin ito sa pagbibigay ng insulation sa loob ng kanyang van.

“Traveling on a usual basis without breaking the van inspires me to continue this lifestyle. The past 10 years I say I’ve never lived my life like the way I should have live it. Van life travel for me is so liberating.”
Masayang-masaya si Katrina sa napili niyang buhay, bukod sa hindi daw magastos ang tumira sa van masaya rin ang kanyang mga anak na lagi silang nakakapag-travel at nakakaranas ng ibat-ibat lugar. Hindi lahat ay may pagkakataon na laging makapag-travel dahil magastos ito, kaya naman maituturing ni Katrina na maswerte sila na pinili nila ang ganitong klase ng buhay.

“This is my tiny home on wheels. It’s definitely helping me manage my two jobs. I’m sleeping more because of this van… but the most practical reason is how it gives me peace. It gives me break from day-to-day stress.”
Payo naman ni Katrina sa mga nagbabalak maging van lifers ay huwag ng magdalawang-isip. Siguradong hindi nila ito pagsisisihan dahil magiging masaya sila dito. Kung kaya niyang gawin ay makakaya rin daw gawin ng iba.
“To aspiring van lifers I say go for it. Go for it girl! Go for it! Sir kaya mo yan!”